4. The guests

2.9K 261 32
                                    

Eivel

Hindi kami magawang tignan ni Kid, parang naiiyak pa. 

Unang beses kong makikita si Kid na mawalan ng kumpyansa sa sarili... 

"E-Eyo... bakit ganito itsura ko." May tono ng pagiging malungkot sa boses ni Kid.

Walang gana akong nakatingin sa kaniya habang nakasubo pa rin ang lollipop sa bibig ni Sage. There's 0% chance that we'll win if he's like this. Kid's greatest weapon for me is his jolly and confident personality.

Malalim akong huminga. "Ayaw mo 'yan, Kid? You look great." 

Nakuha ng sinabi ko ang atensyon niya. Napatingin siya sarili niyang kaparehong-kapareho si Alice. "Pero mukha akong babae... tsaka, parang wala akong maramdaman-" Natigilan siya nang matauhan siya.

"WALA AKONG MARAMDAMAN!-"

He was about to touch his private part when I immediately stopped his hands. Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. I need to think of an idea to...

"H-Hey, you look like someone." Mabilis na pag-iisip ko. Natigilan sa pagpanik ang isip bata na kaharap ko. 

U-Uhm, who should I say?

"A-Ah..." Mabilis akong nag-isip nang biglang may sumingit sa tabi ko. "You look like princess Peach, Kid."

Pareho kaming napatingin ni Kid kay Sage dahil sa sinabi niya. I looked at him, dumbfounded. Pinroseso pa ng utak ko ang sinabi niya at kung sinong karakter 'yon.

When I was about to talk, Kid interrupted. To not my surprise, he looks overwhelmed... overwhelmed that Sage said that he looks like freaking princess Peach.

"P-Princess Peach?" Napakurap-kurap na sambit ni Kid.

"Yah. So you're very lucky, mario will come here soon." Walang ganang sagot ni Sage.

Parang may kung anong nakain si Kid, mabilis na nagbago ang ihip ng hangin at sa isang iglap, muling bumalik ang pagiging masigla niya. He looks confident now, full of confidence.

"Eyo! Nasaan na ba ang Game General? Tara na, laro!" 

Napangiwi ako habang napapailing. Hindi ko siya sinagot at umayos na lang ako ng pagkakaupo. "Sit down." Walang ganang sambit ko sa kaniya.

Mabilis siyang sumunod at tumabi sa kabilang gilid ko. What should I expect, Kid is a kid.

Nalipat ang tingin ko sa mga kasama namin. Doon na bumalik sa 'kin na kumpleto na kami ngayon. Tatlo kaming players, at apat galing sa mga NPC. I took my chance to observe and check each one of them.

Nabigla ako nang mapunta ang tingin ko sa isa, may lumabas na information board tungkol sa kaniya na parang visible lang sa aming mga players.

A thin woman with a candy cane, wearing a fluffy red scarf and long sleeves pink dress. Kulay pula rin na ang kumikintab niyang buhok. Makakapal din ang pinaghalong pula at pink na make up niya. Nakataas ang kanan niyang kilay habang pinagmamasdan ang paligid.

Lady Candane
Loves candies and anything that are color pink and red. Very strict but also friendly, hate liars.

Kapwa naming pasimpleng binasa ni Sage ang nakasulat, maliban lang kay Kid. Hindi ko alam kung binasa niya ba o hinde dahil pinaglalaruan niya ang mahaba niyang buhok ngayon kasama si Potchi.

Lady Candane might be strict but the fact that she hates liars is a green flag. Napatingin ako sa matabang lalaki na gawa sa malaking teacup ang katawan, mayroon din siyang teapot na sumbrero. Umiinom siya ngayon ng tsaa at pumapapak ng sweets.

Game Of Life: Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon