5. Who's not invited

2.8K 242 21
                                    

Eivel

Napataas ang dalawang kilay ko sa narinig. I must admit, he really is a game prodigy. Naunahan ako ni Sage sa pagproseso sa nangyayari.

It caught me off guard for a second, pero mabilis din naproseso ng utak ko ang sinabi niya. As usual, he already came up with a reason rather than gathering more infos. Hindi pa nache-check nang maayos kung nasaan nga ba talaga ang tea cup, pero naisip na niya na baka may isang hindi invited.

Which make sense...

Naging seryoso rin ang ekspresyon ko habang nakatingin sa paligid. Sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ng pinto bago ako pumasok dito.

Alam ko na kung para saan ang mga sinabi niya. Everything was already fixed, ang Mad Hatter mismo ang nag-organize ng lahat... imposibleng kulang ng isang tea cup dahil paniguradong sakto ang lahat para sa amin.

Tumaas ang kanang kilay ni Miss Candine habang nakatingin kay Sage. "What do you mean?" Maintragang sambit niya.

"Yeah, it's just a tea cup." Pagsali ni Lady Sly.

Iniluwa ni Sage ang lollipop stick na wala ng candy. Prente siyang sumandal sa upuan bago kami tignan lahat.

"I'm just saying that one of us, might not be invited..."

"And what makes you say that? It's just a tea cup, it's just a simple and minor mistake." Muling pagsali ni Lady Sly.

Pasimpleng naningkit ang mga mata ko sa kaniya. What's with the counter- comments?

"Yeah, kid. There's no need to make it more complicated." Dagdag ni Grumpy.

I heaved a sigh, crossing my arms. "Then, you're all saying that the Mad Hatter made a mistake? To a tea party that he himself organized and set up. It's easy for all of you to say that it's just a minor and simple mistake, perhaps, you all think that the Mad Matter is unorganized and sloppy?"

Nagsipuntahan sa akin ang mga matatalim na tingin ng mga imbitado rito, maliban sa dalawang kasama ko. 

"No one said that, Miss." Mahinahon pero may tonong sambit ni Miss Candine.

"Sho, letsh jusht shay that shomeone ish really not invited. (So, let's just say that someone is really not invited.)" Sambit ni Mr. Tea.

"But what evidence do we really have? Maybe it's really just an error." Walang ganang sambit ni Lady Sly.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago muling magsalita si Sage.

"Well, first of all, it's not just the tea cup." Walang gana niyang sambit na nakakuha ng lahat ng atensyon namin. "There's is another 'so called minor mistake or error'." Dagdag niya.

Lahat ng mga tingin namin ay nasa kaniya. Kahit ako ay napaisip sa sinabi niya. What error?

Sage raised one finger. "Other than the tea cup, the number of chairs doesn't match as well."

All of our forehead furrowed, except Kid who has no idea what's happening. Wala sa sarili akong napatingin sa bilang ng mga upuan. H-How come? Wala namang nakatayo sa amin-

Nahinto ako nang muli akong natauhan. Hindi pa nagagawang sabihin ni Sage kung bakit ay mabilis ko ng napagtanto ang gusto niyang iparating. Nang magtama ang tingin namin ay walang gana siyang napatango na parang nababasa ang nasa isip ko.

"What do you mean, there are seven chairs and seven of us." Pagtataka ni Grumpy.

"Yah, only seven chairs and seven of us... how about the Mad Hatter? Where will he sit if he really did organized all of this." Walang ganang sambit ni Sage.

Natigilan ang lahat, pare-parehong natauhan at napaisip. Ngayon bumabalik sa isipan ko ang unang beses na nakalaro ko si Sage... hindi ko alam kung hahanga o maiirita ako sa kaniya no'n. But now, I can't deny the fact that he's really good at games.

Miss Candine heaved a sigh. Bakas sa mukha niya na ayaw niya pa ring maniwala pero masyadong tugma at may sense ang sinasabi ng kasama ko. Even Mr. Tea and Grumpy looks convinced. On the other hand, Lady Sly looks like she's doubting usmore like, suspecting us. 

Biglang bumigat ang tensyon sa paligid, nagsimulang magkaroon ng suspetsa ang isa't isa. Syempre, maliban kay Kid na pabalik-balik ang tingin sa amin.

"So? What are we going to do about it?" May tonong tanong ni Miss Candine.

Napatingin sa akin si Sage bago muling bumalik ang tingin sa kanila. "Of course, find out who it is."

There was a sudden silent. Tanging ang tunog ng pag-ikot ng orasan ang ingay. It's already 12:48PM, only 12 minutes left before 1PM, the time where the Tea party starts.

And here we are, suspecting one another... because one us is not invited.

"So, let's start to find out who it is, shall we?" Kumurba ang labi ni Sage sa isang ngisi.

Mas dumoble ang bigat ng tensyon sa pagitan naming lahat. Malalim akong huminga. Tuluyan ng nawalan ng tiwala ang lahat ng bisita sa isa't isa. Sa totoo lang, sa kanilang lahat, ang una kong pinagsususpetsahan ay ang walang iba kung hindi ang babaeng kanina pa parang may pinaglalaban.

Lady Sly.

It feels like she's hiding something and I want to find it out. Next to her, is Mr. Tea. I don't know, he looks nice, but there's 0% chance that he won't do anything for sweets. Sunod siya sa pinaghihinalaan ko.

Ang dalawang huli ay si Miss Candine at Grumpy. Pareho man silang mukhang mangangain ng tao dahil sa presensya nila, alam kong mapagkakatiwalaan sila kahit pa paano.

"So, nakaisip ka na ba ng suspect, Miss Genius?" Biglaang bulong sa akin ng lalaking katabi ko na nakakuha ng pansin ko.

Napatingin ako sa kaniya. Wala sa akin ang tingin ni Sage at nasa ibang bisita na nagsimula ng mag-usap-usap.

"I'm still not sure. Ikaw, meron ka na ba, Sir Prodigy?" Tanong ko. Hindi ako naniniwala kung walang nagpagsususpetsahan si Sage. Sigurado akong umpisa pa lang, may hinala na siya kung sino.

To my surprise, he shrugged. Tumaas ang dalawang kilay ko at hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sunod na sinabi ni Sage.

"Nah, I don't know. Who knows? Maybe I'm the uninvited." 

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon