22:30 (2021 0011 0018)

10 0 0
                                    

Nobyembre disi-otso,

Isang buwan bago ang iyong kaarawan.

Naisipan ko nang isulat itong tugmaan,

Upang magbigay sa iyo ng maikling mensahe sa darating mong kaarawan.


Dalawang taon na tayong magkakilala,

Dalawang taon na din tayong magkaibigan.

Kay bilis ng panahon, parang kalian lang

Kasama pa kita noon sa silid aralan at nakikipagkwentuhan.


Marami na tayong napag-usapan,

Pati yaong hindi natin inaasahan.

Marami akong hiling para sa iyo,

Marami din naman akong gustong sabihin sa iyo.


Nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan kita,

Hindi naman natin ito inaasahan 'tong dalawa.

Akalain mo yun, nahihiya pa akong kausapin ka noong unang araw sa paaralan,

Ngunit ngayon, kausap na kita buong gabi hanggang kinaumagahan.


Noong panahon bumagsak ako sa pamantasan,

Ikaw ang unang nagpanumbalik ng aking kagustuhan na makapag-aral.

Walang halong biro itong sinasabi ko sayo.

Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy akong nag-aaral.


Marami akong hiling para sa iyo,

Sa darating na kaarawan mo.

Hiling ko nawa'y makapagtapos ka sa pag-aaral mo.

Huwag kang papayag na hindi mo matutupad ang pangarap mo.


Hiling ko din ang maayos na buhay para sa iyo,

Maraming biyaya at maayos na kalusugan.

Higit sa lahat, hiling ko din sa iyo na balang araw;

Magkaroon ka ng taong magmamahal sa iyo ng lubusan.


Huwag sana akong biguin ng iyong kasintahan sa hinaharap.

Malalaman niya kung sino ang kaniyang katapat.

May tiwala naman ako sa iyo na pipiliin mo kung sino ang karapat-dapat.

Bago iyan, patuloy ka munang mangarap.


Kamakailan ay nag-usap tayo,

Dahil nailabas ko na ang una kong libro.

Agad ko naman itong ibinahagi sa iyo,

Kung sakali man na makilala ang libro ko, ikaw ang unang makakatanggap ng librong may pirma ko.


Bago matapos ang araw na ito,

May isa akong huling hiling sa iyo,

Hiling ko na sana sa paglipas ng mga taon,

Kilala mo pa ako, ang kaibigan mo na minsan nang napa-ibig sa iyo.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now