23:19 (2021 0009 0027)

4 1 0
                                    

Gabi na naman

Panibagong kwento na naman

Kahit paulit-ulit lang naman.

Hindi biro lang.


Kinaumagahan nakausap ko si...

Siguro wala kayo masyadong activity.

Kaya may time pa siya para makipag-usap,

Kahit tinatamad pa akong kumurap.


Sa dami ng aming pinag-usapan,

Napunta muli kami sa tungkol sa ligawan.

Alam naman natin na isa siya sa mga nakaka-alam,

Na ika'y aking naibigan at binalak noon na ligawan.


Naikwento niya sa akin na ako'y suportado niya,

Kung sakaling ika'y ligawan ko na.

Ngunit wala pa yun sa aking isipan,

Dahil mas gusto kong panatilihin ang ating pag-kakaibigan.


Maraming nagsasabi sa akin,

Na ika'y ligawan.

Ngunit mas aking pinili,

Na manahimik na lamang.


Ay jusko. Gabi na naman.

Matulog ka na, bukas mo nalang tuloy yung pa nonood mo sa bidyo sa tiktok.

Baka may klase pa kayo bukas,

At baka hindi ka na naman magising sa oras.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now