14:02(2021 0011 0004)

8 0 0
                                    

Sa mga oras na ito,

Nagkaklase ang aming guro.

Hindi sa hindi ako interisadong makinig,

Ngunit nais ko lamang mag-kwento sa 'yo ulit.


Ngayon lang siguro ako nagkwento sa iyo,

Ng ganitong oras.

Katirikan ng araw,

At karamihan ay uhaw.


Sa wakas ay naibigay ko sa 'yo,

Ang mga tulang naisulat ko.

Hindi ko alam kung natuwa ka duon,

Ngunit pansin ko naman ang saya sa mga mata mo.


Matapos kong ibigay ang libro,

At makipag-usap sa iyo;

Aanyayahan sana kitang magpa-kuha ng litrato,

Ngunit ikaw ang unang nag-aanyaya sa'yo.


Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng biglaang saya.

Siguro dahil ikaw ang sa aki'y nag-anyaya,

Upang magpakuha tayong dalawa,

Habang hawak ang alay sa iyong mga tula.


Muli akong nakaramdam ng saya,

Dahil makasama muli kita.

Nawa'y muli kitang Makita,

Sa susunod kong pagbisita.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now