23:49 (2021 0010 0014)

3 1 0
                                    

Kaarawan ngayon ng aking kaibigan,

Kaya hindi ko natanggihan;

Ang alok nilang inuman,

Kaya't ilang beses din tumungga ng punong baso ng alak sa handaan.


Nakailang baso din ako,

Ni 'di ko mabilang sa daliri ko,

Kung ilang beses akong inabutan

Ng serbesa sa handaan.


Hilo na ako noong pauwi ako,

Upang mapawi ang hilo na nararamdaman ko;

Naisip kong kausapin ka,

Upang lumipas ang oras at may pagka-abalahan habang nasa daan ako.


Hanggat maari ayokong kakausapin kita,

Sa tuwing nakaka-inom ako ng serbesa.

Baka kung ano pa ang masabi ko sa iyo,

Na maaring magdulot na malaking problema.


Kakatwa na napigil ko ang aking sarili at emosyon,

Noong kausap kita sa mga oras na iyon.

Kaya't imbes na lungkot ang madarama ko,

Napalitan iyon ng saya sa sandaling pagkakataon.


Dahil nga sa kinuwento mo nung makalawa,

Na hinahanap ka sa paaralan,

Ng dating mong kaklase at sayo'y nanliligaw.

Ayokong maranasan mo ulit ang pangyayaring iyon noong araw.


Jusko kung ano ano na ang pumapasok sa kukote ko,

Titigil ko muna ang kwento ko dito.

Pagkat sobra na ang hilong nararamadaman ko.

Kung sakaling uminom ka sa hinaharap, huwag mong lunurin ang sarili mo ha. Hinay hinay lang dapat.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now