22:26 (2021 0009 0024)

4 1 0
                                    

Ilang araw na ba ang lumipas?

Tila ang bilis ng pagtakbo ng oras.

Parang kailan lamang ay nanood tayo ng palabas,

Ngunit perwisyo ang konkesyon kaya't agad tayong lumabas.


Ilang araw na din pala ano;

Noong ika'y nakausap ko.

Hindi man naging mahaba ang pag-uusap,

Ngunit bawat oras ay aking nilalasap.


Wala akong magawa buong araw,

Tinapos ko na ang mga gawain ko sa paaralan na kailangang ipasa sa susunod na araw.

Kaya't nakahilata lamang ako sa kama hanggang sa lumubog ang araw,

At matulog upang silayan ang susunod na araw.


Tutal wala naman akong ginagawa

Sinabi sa akin ng aking kaibigan;

Na kausapin at kumustahin ka,

Kung may ginagawa ka ba o mabuti ang iyong kalagayan.


Wala sa isip ko na kausapin ka,

Dahil wala naman akong maikukwento pa.

Halos lahat ata ng kwento na dapat kong i-kwento sa iyo;

Nasulat ko na sa panibagong libro na ito.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now