21:44 (2020 0009 0030)

4 1 0
                                    

Habang nag-aantay na mapuno;

Ang baterya ng aking telepono,

Muling bumalik sa isip ko,

Noong araw na ika'y kausap ko noong bumagsak ako.


Halos tatlong buwan na din pala,

Noong nilabas ang mga nakapasa.

Hindi ako kasama kaya;

'Di ko magawang tumawa.


Ikaw ang una kong kinausap noon,

At ibinalita ko na hindi ako napasa doon.

Mabuti at libre ka sa mga oras na iyon,

Kaya nagawa kong ilabas lahat ng hinanaing ko noong oras na iyon.


Tatlong oras din tayong nag-usap,

Sa ilalim ng madilim na gabi at walang ulap.

Isa iyon sa mga di ko makakalimutang tatlong oras,

Pagkat nakausap kita na tila walang bukas.


Noong kausap kita noon,

Nawalan na akong ng gana mag-aral.

Siguro dahil masyado akong na-apektuhan ng resultang iyon.

Pero may aaminin ako sa iyo ngayon.


Sa totoo lang wala na akong balak mag-aral

Dahil nga bumagsak ako, kaya nawalan na ako ng gana.

Ngunit habang kausap kita,

Muli sumiklab ang apoy sa aking mga mata.


Naliwanagan ako sa mga sinabi mo,

Noong mag-kausap tayo.

Dahil alam kong may naniniwalang tao sa akin,

Kahit hilaw pa ang dunong at talino ko.


Simula noon, sinikap kong makapasok ulit.

Para makapag-kolehiyo ako.

Ayoko nang sayangin pa ulit,

Ang pagkakataon na meron ako.


Siguro sa haba ng binasa mo,

Kilala mo na kung sino ang dahilan kung bakit nasa kolehiyo ako ngayon.

Ikaw ang tanging dahilan,

Kung bakit tinuloy ko ang pag-aaral na tinatahak ko ngayon.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now