23:38 (2021 0010 0004)

5 1 0
                                    

Habang ako'y nasa bihaye,

Hindi napigilan na isipin ang iyong imahe.

Ngunit may isang katanungan sa aking kukote,

Kinikilig ka din kaya sa tuwing ika'y kausap sa kadiliman ng gabi?


Matagal na tayong magkakilala,

Kilala na natin ang isa't-isa.

Maging ang baho ng isa't-isa,

Alam nating dalawa.


Nagkausap na din tayo sa iba't-ibang bagay,

Pasimple kong isinasali ang tungkol sa pagmamahal.

Bumabanat ako ng mga nakakakilig na salita,

Ngunit di ko alam kung kinikilig ka ba talaga.


Sa mga hirit kong bigla bigla;

Na lamang bumubungad sa iyong mukha.

Naalayan na kita ng mga tula.

Hindi ko mapigilan mag-isip kung kinilig ka ba roon kahit man lang natuwa.


Pero tanong ko lamang,

Natuwa ka ba sa aking mga tula?

Sa mga hirit kong nakakatawa?

Minsan ka din bang kinikilig sa tuwing mag-kausap tayong dalawa?


Hindi kita inoobliga,

Na sagutin ang mga tanong na iyan.

Ngunit maari mo namang sagutin iyan,

Idaan mo na lamang sa liham o mensahe.


Sa dinami-dami ng dapat kong isipin,

Bakit ito pa ang pumasok sa utak.

Dahil lamang sa aking kuryosidad,

Naitanong ko sa iyo ang mga bagay na ganiyan.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now