00:51 (2021 0011 0006)

4 0 0
                                    

Habang himbing ang lahat,

Ang mga mata ko'y nananatiling mulat.

Antok ay hindi pa nagpaparamdam,

Kaya't nagpatugtog na lamang ng musika upang gumaan ang pakiramdam.


Habang nakikinig ako ng musika,

Hindi maalis sa aking isipan ang isang linya,

"Sana'y naiisip mo din ako"

Isang tanong din na pumasok sa isip ko.


Sa haba ng ating pagkakaibigan,

Ngayon ko pa lamang ata ito naitanong sa aking sarili.

Ngunit sa palagay ko nama'y naiisip mo din ako,

Bilang isa sa mga kaibigan mo.


Likas na sa iyo ang pagiging maaalalahanin mo,

Kaya hindi na nakakapagtaka kung inaalala mo sila.

Pasado alas dose na pala,

Oras na para matulog, sa susunod na tula nalang muli.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now