21:00 (2021 0009 0008)

19 1 0
                                    

Wala akong magawa,

Pero naalala lang kita bigla.

Hindi ko alam kung maituturing ko itong tula,

Pagkat ang mga sinasabi ko ay aksidente lamang nagtutugma.


Ano kaya ang iyong ginagawa?

Mahirap kaya ang inyong pinag-aaralan?

Kailan kaya tayo magkikita?

Mga tanong na patuloy tumatakbo sa aking isipan.


Wala talaga akong balak na magsulat ng tula.

O baka meron naman talaga.

Nahihiya lang siguro akong kausapin ka.

Pagkat ayokong maka istorbo sa iyong ginagawa.


Ituring mo na lamang ito bilang liham ng pangangamusta.

Kahit ilang linggo pa lamang ang lumilipas noong nakausap kita.

Nais ko lamang itanong na kung kumusta ka na?

Maayos ba ang pakikitungo sa 'yo ng iba?


Bago sa iyong mata ang iyong mga kaklase.

Malamang lahat kayo ay nagkakahiyaan pa,

Syempre kakaumpisa pa lamang ng klase,

Ang kayo lahat ay halos hindi pa magkakakilala.


Alam mo minsan napapaisip ako;

Kung mayroon na nga bang nabighani sa iyo,

Hindi na ito kataka-taka dahil kita naman kung gaano kaganda.

Hindi na din siguro bago sayo na may umaamin sa iyo na gusto ka nila.


Bago ang iyong mga kasama.

Bago din ang iyong mga lalaking kaklase,

Kaya't sigurado ako sa aking hula,

Na mayroong magkakagusto sayo na isa sa kanila.


Kailangan ko pa bang itanong sayo ang ganiyang bagay?

Kakatwang isipin hindi ba.

Gayunpaman, kahit sino man ang dumating sa 'yong buhay,

Siguro naman di ka nila sasaktan hindi ba?


Pero kung sakali man na wala kang makatuluyan ni isa sa kanila o kahit sino mang tao,

Sana matapos mo ang pag-aaral mo.

At maging isang ganap ka nang isang nars.

Alam kong maabot mo yan, nars C!


Simpleng pangungumusta lamang ito,

Kahit ilang linggo pa lamang ang nakalipas noong nag-usap tayo.

Pagpatuloy mo na iyang ginagawa mo naku.

Saka mo na lamang basahin ito pag natapos ka na sa mga gawain mo.

Letters Never SentWhere stories live. Discover now