Chapter 39

1.2K 44 6
                                    

"Jah!" Napalingon ako habang nakaupo sa directors chair ko. Nagtinginan ang prod sa mga sumigaw. Buti nalang kakatapos lang i-take ang scene ni Japs ngayon.

Napakunot ang noo ko ng makita ang mga tumawag sa akin.

Anong ginagawa ng mga to dito? Talagang kumpleto pa sila ah.

"30 minutes break muna tayo!" Sigaw ko sa prod at lumapit kayna Josh.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Dinadalhan lang namin kayo ni Japs ng food." Sabi ni Kuya Stell at kinawayan si Japs para lumapit ito samin.

"Naks napakabait nyo naman." Pang-aasar ko at tinapunan ko ng tingin si Josh.

"Huy!" Sabi ko at nagulat ako ng niyakap nya ako. Wow! Extra clingy na talaga siya simula nang nagkabalikan kami.

"Hi love are you tired?" Nawala ang ngiti sa labi ko sa narinig ko.

Anong love? Kailan pa napalitan endearment namin?

"Sino si love?" Sabi ko at tinulak sya ng bahagya para bumitaw siya sa pagyayakap nya sa akin.

"Yare!" Pang-aasar ni kuya Ken at natawa naman sina kuya Stell.

"Ikaw! Sino pa ba mahal ko? Nabasa ko kasi sa twitter mas sweet daw yung love na endearment." Sabi nya at kinurot ang pisngi ko.

"Dami mong alam! Tara na nga gutom na ako." Sabi ko at nauna ng maglakad papunta sa tent ko.

"Love here is your food oh." Sabi ni Josh at nilagay sa harap ko ang pagkain na dala nila. Sinimangutan ko siya dahil sa tawag nya sakin.

"Love ka nang love! Hindi nga ako si love!" I rolled my eyes. Tawa naman siya nang tawa sa inasal ko.

Paki remind nga bakit ako nakipag balikan sa bwisit na to?

"Sorry na gusto ko lang naman I-try mag bago ng endearment babe." Sabi nya at inirapan ko na lang ulit siya at nagsimula ng kumain.

Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain. Iniinterview nila si Japs about sa shoot at sa pag-aartista nito.

"Kamustang director tong kapatid ko? Hindi naman ba masungit?" Tanong ni kuya Stell.

"Hindi naman po. Ang bait nga ni kuya Jah eh. Tinutulungan nya po talaga kami pag nahihirapan kami." Japs smiled at me.

"That is my job to help you para maging maganda kalabasan ng movie." Sagot ko.

"My boyfriend is not a best director for nothing." Josh said and he leaned his head to my shoulder.

"Shala boyfriend! Parang noong isang beses nag iiyakan pa kayo." Pang-aasar ni Ava.

"Kung hindi pa natin piniga si Jah hindi nya pa babalikan si Josh. Weak mo Jashkalen!" Pang-aasar naman ni kuya Pau.

Bakit parang hindi nabubuo araw nila kapag hindi nila kami naa-asar?

"Paano ako naging weak kung ako pa rin ang mahal kahit hindi ko na jowa?" Mayabang na sabi ni Josh at inakbayan pa ako.

"Jah makipagbreak ka nga ulit dyan!" Sabi ni kuya Ken.

Napangisi naman ako.

"Sige." Sabi ko at natawa naman ako ng makita ang reaksyon ni Josh na dahan-dahan akong nilingon at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Natawa tuloy kaming lahat sa reaksyon nya.

"Joke lang!" Sabi ko at hinampas ng bahagya ang braso nya.

Sumimangot naman siya.

"Joke joke! Bahala ka dyan suyuin mo ako!" Sabi nya na parang bata kaya napuno nanaman ng tawanan ang lamesa namin.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now