Chapter 21

765 36 4
                                    

"Thank you sa pagsundo Ava." I chuckled pagpasok ko sa sasakyan ni Ava.

Nakiusap kasi ako kay Ava kung pwede makisabay kasi susunduin daw ako ni Josh mamaya paglabas ko kasi defense namin ngayon tapos magdate daw kami ni Josh after ng defense ko, kaya hindi na ako nagdala ng sasakyan.

"Okay lang, support kita sa kalandian mo." Tinawanan nya sarili nya.

"Whatever Ava!" I chuckled.

"Buti may time pa makipag date si kuya Josh?" Tanong nya.

"Ewan ko? Sabi ko nga sa condo na lang kami kumain eh. Sayang ang pera alam mo naman gipit sila ngayon."

"Sinabi mo yon sa kanya?" Tanong nya. She started driving.

"Hindi, diba hindi nya naman alam na may alam tayong dalawa. Sinabi ko na lang na mas gusto ko sa condo magluto na lang ako kaso hindi pumayag. Mag offer na lang ako mamaya na ako magbabayad ng kakainin namin."

"Sa tingin mo papayag yon?" She raised her eyebrow.

"Sabihin ko treat ko kasi last defense na to for this year kasi next year final defense na." Sabi ko at natawa naman si Ava.

"Ava ayan na pala yung painting na pinagawa ng parents mo. Thank you sa pag-support ah best pal talaga kita" Turo ko sa painting na nasa likod.

"Wala yon sabi ko sayo support kita lagi diba." She smiled at me.

"Kaya bagay kayo ni kuya Ken eh." Natawa ako ng makita kong nag blushed siya.

"Tumigil ka nga dyan." Pag-saway nya sa akin. "Ay maiba ako, ano na ang desisyon mo dun sa offer ni dean? Ilang buwan na yon ah? di ka pa rin nagbibigay ng final decision?" Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ko ng tanungin nya iyon.

"I-tuturn down ko yung offer. Hindi ko kayang iwan si Josh lalo na ganito yung sitwasyon nya."Pagpapaliwanag ko. Tumingin siya sa akin noong nag red light.

"Naiintidihan kita Jah mahirap yung sitwasyon ni kuya Josh pero paano ikaw? Pangarap mo yon diba? Siya na lang ba lagi mong iisipin?" Ramdam kong pinipigilan nya ang inis nya sa sinabi ko.

"Pwede naman akong maging direktor kahit hindi ako mag training doon." I gave her a fake smile. Nagsimula na ulit siyang mag drive.

"Ewan ko sayo Justin De Dios ikaw na nagsabi bata ka palang pangarap mo na yan tapos hindi mo tatanggapin offer ni dean."

"Hayaan mo na yon." I chuckled. Gustohin ko man pero mas pipiliin ko pa rin si Josh kaysa sa pangarap ko.

"Sinabi kong support kita diba? Pero hindi sa katangahan Justin future mo nakasalalay dito." Panenermon nya.

"Ano iiwan ko siya dito habang siya miserable? Hindi kaya ng konsensya ko ava!" Tumaas na yung boses ko dahil hindi nya makuha yung point ko.

"Bakit ka makokonsensya? Ikaw ba anag nagbigay sa kanya ng problema? Justin kahit this time naman isipin mo yung sarili mo puro ka Josh hindi ka ba napapagod?" Napasapo siya sa noo nya.

"Magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi." I started to cry at bigla naman siyang nagulat noong nakita nya akong umiiyak.

"Huy wag kang umiyak may defense pa tayo, pero sige may oras pa naman iyak ka lang dyan." Gusto ko matawa sa sinabi nya pero naiyak lang ako lalo.

"Napapagod na ako kasi hindi na kami tulad ng dati pero naiintindihan ko naman siya pero mas napapagod ako yung hanggang ngayon nagsisinungaling pa rin siya sa akin. Bakit ba hindi nila ako pinagkakatiwalaan? Anong tingin nila sa akin bata? Gusto ko sabihin sa kanila na may alam ako pero natitiklop ako. Napapagod ako Ava pero pag nakikita ko yung itsura ni Josh mas gusto ko lumaban hindi ko na iniinda yung nararamdaman ko kasi alam kong triple yung nararamdaman nyang sakit ngayon. Kaya kahit yung pangarap ko itataya ko para lang madamayan siya Ava." Niyakap nya ako. Hindi ko napansing tinigil nya sa gilid ng daan yung sasakyan.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now