Chapter 19

752 30 8
                                    

Weekend ngayon at nagkaroon ako ng time kaya nag-usap kami nina kuya Stell na pumunta sa bahay nina Josh para aliwin naman yung isa tapos bisitahin na rin namin si daddy John mamaya sa ospital bago umuwi.

"Didiretso na daw si Ken doon kay na Josh wag na daw natin siya daanan." Sabi ni kuya Pau na nasa passenger seat.

"Okay na ba yung pagkain na binili natin or may gusto pa kayong idagdag?" Tanong naman ni kuya Stell.

Dumaan kasi kami sa mall kanina para bumili ng makakain na dadalhin sa bahay nina Josh kasi hindi na masyadong nagkakakain yon namamayat na siya.

"Okay na 'to kuya ang dami nga eh, mukhang si Josh at Japs lang naman nandoon sa bahay nila eh." Sagot ko. 

Pagkarating namin sa bahay nina Josh ay dumating din agad si kuya Ken kaya sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Si Japs ang nagbukas sa amin ng pinto. 

"Hi Japs nasaan kuya mo?" Tanong ni kuya Pau. Tinuro nya si Josh na nasa salas at nakaupo sa sahig habang busy sa ginagawa nya sa laptop, madami ring nakapalibot na papel sa mini table. Trabaho nanaman? rest day nya ah. Nagkatinginan na lang kaming apat sa nadatnan namin at pinuntahan na si Josh napansin nya kami at tumayo naman siya.

"Hoy dre sabado ngayon ah trabaho pa rin?" Tinapik ni kuya Stell ang balikat ni kuya Josh.

"Hoy Josh uso pahinga." Sabi naman ni kuya Pau.

"Dre ayoko pa mamatayan ng kaibigan." Pagbibiro naman ni kuya Ken.

Tiningnan ko ang gingawa nya at tambak talaga ang papel dito grabe. Tiningnan ko ang itsura nya at halata na ang pagbabago sa katawan nya, pumayat siya at halatang kulang sa tulog. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang waist nya. "Pinapagod mo nanaman sarili mo."

"Kailangan babe para sa future natin." He kissed my forehead at bumalik na sa ginagawa nya. Nagkatinginan uli kaming apat nina kuya Stell at napailing na lang si kuya Pau.

"Sige dre handa muna namin tong dala namin sa kitchen nyo. Tara Japs sama ka samin." Pagyaya ni kuya Stell. Tinapunan ko muna ng tingin si Josh bago ako sumunod kay na kuya Stell sa kitchen.

"Japs kamusta kayo?" Tanong ko kay Japs na kumakain ng ice cream.

"Ganoon pa rin kuya eh, tahimik pa rin namin dito sa bahay sobrang naninibago ako sobrang saya ng bahay dati tapos ngayon sobrang lungkot na." Sagot nya. Inakbayan ko si Japs at tinapik tapik ang likod. Naging malapit na rin kasi ako sa pamilya ni Josh at totoo ang sinabi ni Japs na sobrang saya ng family nila lagi napupuno ng tawanan ang bahay na to pero ngayon sobrang tahimik na nakakapanibago.

"Babalik din ang lahat sa dati Japs, gagaling ang daddy mo magiging maayos din ang lahat." I smiled at him.

"Jah dalhin mo muna tong pagkain kay Josh baka gutom na yon tambak ginagawa oh." Utos ni kuya Stell. Tiningnan namin si Josh na busy pa rin doon sa living room.

"Sige kuya." Kinuha ko yung pagkain na inabot sa akin ni kuya Stell. May lasagna at pizza sa plato kumuha na rin ako ng iced tea. 

Umupo ako sa couch at binaba ang pagkain sa mini table. "Babe kain ka muna." Sabi ko at hindi pa rin siya tumigil sa ginagawa nya.

"Lagay mo lang dyan babe kainin ko mamaya." Sabi nya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit.

"Babe hindi ka pa kumakain pwede mo naman ituloy yan pagkatapos kumain." pamimilit ko ulit.

"Mamaya na babe." Sabi nya ulit. Gusto ko ng mainis dahil hindi ko talaga siya mapilit. Bakit ba ang tigas ang ulo niya?Pero mas matigas ang ulo ko kaya pipilitin ko ulit siya.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now