Chapter 32

938 41 9
                                    

"Direk? Direk!" Sigaw ni Farrah kaya nagulat ako.

"Bakit ka sumisigaw Farrah?" sinimangutan ko si Farrah. Hindi ko namalayan na nandito siya ang lalim kasi ng iniisip ko. 

"Sorry direk kanina pa kasi ako dito hindi nyo po ako pinapansin nakatulala lang kayo dyan." Sabi nya at napakamot pa sa ulo nya.

"May iniisip lang ako. Bakit pala?" Tanong ko. 

"Kayo na lang po hinihintay sa loob para makapag simula na sa workshop." Sabi nya at tumingin sa baba.

"Ah okay sorry. Tara na." Sabi ko at tumayo na. 

Naglakad na kami papunta sa workshop area. Pagkapasok ko ay binati ako ng mga tao dito at napakunot ang noo ko ng makita ang isang pamilyar na mukha. Nakaupo siya at ngiting-ngiti sa akin.

Bakit naman nandito si Josh? Ano nanaman trip nito sa buhay? Wala ba siyang work? Hindi naman siya kasali dito bakit pumunta pa? Ngayon lang kami ulit nagkita simula noong nag punta kaming intramuros pati noong gabing sinabi nya na....basta.

"Hala ang gwapo nun direk sino yun? Kilala mo direk?" Bulong sa akin ni Farrah. Bagay talaga sila magsama ni Ava jusko.

"Kapatid yan ni Japs." Sabi ko sa kanya at binaba ang dala kong gamit. Lumaki naman ang ngiti nya sa labi at parang nang-aasar pa ang tingin nya.

"Sya yung sinasabi mo direk yung ex mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at natawa siya ng bahagya. "Gwapo direk ah comeback nga kayo!" Sabi nya at tila hahampasin pa ako kaya nag pameywang ako at napatigil naman siya sa pagtawa.

"Magtrabaho ka na nga puro ka chismis. Warm up mo muna sila." Sabi ko at sumunod naman siya.

Pumunta muna ako kung nasaan ang mga manager ng mga artistang kasama sa workshop ngayon nakipag kamustahan muna ako tapos lumapit ako kay Josh.

"Hi!" He smiled at me. Sinimangutan ko siya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang work ha?" Mahina kong panenermon sa kanya dahil baka marinig kami ng mga nandito sa loob.

"Chill naka leave ako ngayon, nagpasama sakin si Japs kasi kinakabahan daw siya." He explained.

"Siguraduhin mo lang ha! baka nandito ka lang para mangulit sinasabi ko sayo may pupuntahan pa ako after nito." I said.

"Anong ikaw lang? tayo! Niyaya din ako nina Stell no." Sabi nya. Nakalimutan kong kasama nga pala kaming lahat na magbabarkada sa paghananap ng batang i-aadopt ni kuya Stell at kuya Pau kailangan daw nila ng moral support.

"Oo na behave ka lang dyan ha!" Sabi ko at tatalikod na sana ng hawakan nya ang braso ko.

"A-ah J-Jah about pala sa s-sinabi ko last time.."Nauutal nyang sabi. Kinakabahan ba siya? Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at nginitian ko siya.

"Wag ka mag-alala we're still friends." Sabi ko at binigyan nya ako ng tipid na ngiti.

"Ah okay." He said at pumunta na ako kay na Farrah para mag-turo sa cast.

"Do you guys read and study your script?" Sabi ko at tumingin ako kay na Japs na halatang excited sa workshop.

"Yes direk!" Sagot nila at tumango naman ako.

Naging maayos naman ang workshop namin, madaling matuto ang mga cast at halatang gustong-gusto nila ang ginagawa nila kaya hindi kami masyadong nahirapan. Si Josh naman ay tahimik lang nanood sa upuan nya. Buti na lang naka turn on pagiging CEO nya ngayon.

Kailangan lang pang mahasa ang chemistry ni Japs at ng leading lady nya kasi medyo halata pang awkward sila dahil hindi pa sila ganoon ka close kaya yun dapat ang dapat namin pag tuunan sa susunod na mga workshop.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now