Chapter 18

880 33 4
                                    

"Happy 3rd Anniversary babe!" Bati sa akin ni Josh pagkarating namin dito sa isang tahimik na lugar.

Nilibot ko ang paningin ko at nandito kami sa isang mataas na lugar kita ang siyudad dito at may malaking puno, may kubo sa taas ng puno at may hagdan naman para makapunta roon hapon pa lamang kaya makikita mo ang araw na unting-unti ng lumulubog.

Tree house? Paano niya nalaman na ideal date ko ito? Hindi ko naman sinasabi sa kanya to ah.

Lumingon ako sa kanya at tatanungin sana siya ng bigla siyang nag salita. "Si Stell, siya nagsabi sakin na ideal date mo to." sabi nya na parang nababasa ang nasa isip ko. 

"Ang daldal ni kuya Stell." I pouted and he pinched my nose. Noong bata pa kasi kami ni kuya Stell pag nagbabakasyon siya sa amin ay nanonood kami ng mga movies tapos may napanood kaming isang movie na nagdate yung mga bida sa treehouse tapos sabi ko gusto ko din yon kasi intimate and relaxing. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay tanda pa ni kuya Stell yung bagay na yon.

"Sabi mo kasi kahit saan tapos wala rin ako maisip kaya nag patulong ako kay Stell." He smield. "May silbi din pala si Ajero minsan." He chuckled.

"Oy kuya ko yang binabash mo!" Hinampas ko siya at tumawa naman siya.

"Tara na akyat na tayo." pagyaya nya. Inalalayan nya akong umakyat, dahan dahan lang ako umakyat dahil natatakot ako baka mahulog kami.

Pagkaakyat namin sa taas ay may picnic mattress na nakalatag at may naka handang finger food at drinks dito. Kitang kita dito sa taas ang sunset at ang siuydad sa baba, sobrang ganda ng tanawin. Niyakap ko si Josh at parang nagulat siya sa ginawa ko.

"You always amaze me thank you." Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. Hinaplos niya naman ng dahan dahan ang buhok ko.

"Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang." He whispered and kissed the top of my head.

Humiwalay ako sa yakap at hinalikan siya, that was just a quick kiss. "Happy Anniversary, I love you." I said after our kiss.

"I love you forever my baby." He said and caressed my face.

Umupo na kami at kinain ang mga hinanda nya. Meron ditong cheese sticks, kwek-kwek, fish balls, kikiam at madami pang iba. Hindi ito sosyal na celebration katulad sa ibang couple pero this is my favorite celebration of us, tahimik lang tawa lang naming dalwa ang maririnig mo, ingay ng ibon at ihip ng hangin sobrang perfect to na hindi mo na gustong matapos.

Sinubuan nya ako ng fishball at kinain ko naman iyon. "Grabe ang daming pagkain baka sumakit naman tyan natin nito." I chuckled.

"Kaya nating ubusin to matakaw ka eh." Pang-aasar ni Josh. Sinamaan ko siya ng ting at sobrang saya nanaman nya na napipikon nya ako.

"Ewan ko sayo." I rolled my eyes.

"Joke lang baby joke lang." He hugged me and kissed my cheeks.

"Whatever Jashkalen!" Tinawanan nya na lang ako at uminom siya ng soda.

Naenjoy namin ni Josh ang third Anniversary namin naghabulan kami dito sa baba ng tree house, nag take kami ng pictures and videos at napilit nya rin ako magtiktok hanggang sa nagdilim na at nakaupo kami sa may pinto ng tree house.

"Thank you Josh for this day, alam ko sobrang busy mo sa work pero you always make time for me." I look at him. He hold my hand and kissed it.

"Of course you're my number one priority, you are the best boyfriend in the whole world kaya deserve mo lahat ng mga pinapakita ko sayo at pinaparamdam." Pinagmasdan ko siya at napangiti, he is the perfect boyfriend for me hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkahiwalay kaming dalwa dahil alam kong wala ng makakapagpadama ng ganito sa akin.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now