Chapter 27

849 32 14
                                    

"Oy Jah birthday ni Ken sa weekend ininvite ka nya doon daw siya mag celebrate ng birthday with us." Sabi ni kuya Stell habang nagluluto at ako naman ay nagbabasa ng magazine dito sa may bar counter.

Glow up diba? Dati sa condo lang kami ganito ngayon sa sarili na nilang bahay ni kuya Pau.

"Ayoko hindi naman ako invited." Sagot ko habang sa magazine pa rin nakatingin. Ayoko pumunta may makikita lang ako doon.

Binaba nya ang sandok na hawak nya lumapit siya sa akin at binatukan ako. "Aray!" pagrereklamo ko.

"Anong hindi ka invited eh pinapasabi nga nya sa akin na sumama ka!" Ang ingay nanaman ni kuya stell.

"Ayoko pinasabi nya lang sayo iba pa rin yung mismong birthday ang nag invite. "I pouted. Inirapan naman ako ni kuya Stell at kinuha ang phone nya sa bulsa ng short nya.

"Hello ken! Kausapin mo nga tong bano kong kapatid ikaw na mismo mag invite nag-iinarte eh." Sabi ni kuya Stell habang ka videocall si kuya ken. Inabot niya sa akin yung phone sinimangutan ko muna si kuya Stell bago ito abutin.

"Hoy Justin! pumunta ka hindi pwedeng wala ka ngayon ka na nga lang umuwi eh." Sabi ni kuya ken at nangunsensya pa.

"Wala ako sa mood mag party eh, padala ko na lang regalo ko kay kuya or libre na lang kita chicken?" Nagpacute pa ako kay kuya Ken para maging effective.

"Nako Jah hindi tatalab sa akin mga paganyan mo! Pumunta ka pag di ka pumunta yare ka sakin." Nanakot pa siya.

"Oo na oo na." Inirapan ko siya at binalik na ang phone kay kuya Stell.

Pumasok na ako sa kwarto ko nagcheck ako ng email at baka may trabaho pala akong naka pending. Biglang tumunog ang phone ko at napakunoot naman ang noo ko.

"Hi." Basa ko sa message ng unknown number. Hindi ko na sana papansinin ang text pero dahil na curious ako kung sino yun ay tinanong ko na lang kung sino siya.

"Lazada pu itu and2 na po order nyo." Really? Wala naman akong inoorder doon. Napailing-iling na lang ako at nilagay ang phone ko sa side table. 

Kinabukasan ay paglabas ko ng kwarto dahil aalis na ako ay  naabutan ko si kuya Stell at kuya Pau na papasok na rin sa trabaho, nag  kwentuhan lang kami saglit hanggang palabas ng bahay.

"Don't forget to buy gift for ken's birthday ha? bukas na yon." Paalala ni kuya Stell bago ako pumasok sa sasakyan ko. Hindi ko pa alam kung anong ireregalo ko kay kuya Ken. Ibalot ko na lang kaya si Ava?

Pagkarating ko sa office ay may nakakasalubong ako na mga artista binabati naman nila ako. Parang dati nanonood lang ako ng mga movies ng mga artista ngayon kilala na nila ako.

"Kamusta settled na ba lahat para sa audition next week?" Tanong ko kay Farah na assistant director ko.

"Opo direk pero may dinagdag po ako na actor for audition." Sabi nya at kumunot ang noo ko.

"Sino?"Tanong ko. 

"Yug new rising star po ngayon si Jack Patrick Santos." Para naman akong nabingi sa sinabi nya? Jack Patrick? Artista na pala si Japs?

"Ayaw nyo po ba direk?" Tanong ni Farah noong hindi agad ako nagsalita.

"No, okay lang nagulat lang ako na artista na pala siya." Mukhang naguluhan si Farah sa sinasabi ko.

"Kilala nyo po siya direk?" Tanong nya. Pwede pala isama tong si Farah kay Ava parehas chismosa.

"Yeah, kapatid siya ng bestfriend ng kuya ko." Na ex ko. Gusto ko idagdag yon kaso baka lalo nya ako tanungin para pa naman si Ava to pero okay lang naman dahil close naman kami kahit papaano.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now