Chapter 2

1.2K 55 14
                                    

Nandito ako sa coffee shop malapit sa school at nag dadrawing sa ipad ko para sa isang subject. Ang bilis ng araw, naka isang linggo na agad ako dito. School at bahay lang ang naging routine ko dito, sa mall pa lang kami nakakapag libot ni kuya Stell. May mga close na rin ako sa mga classmates ko pero mas naging close ko yung best friends ni kuya, lagi sila napunta sa condo tsaka kasama namin kumain.

Focus lang ako sa ginagawa ko ng marinig ko yung nasa kabilang table na parang gusto ako lapitan, tatlong babae sila then may isa silang kasamang lalaki.

"Dali na tanungin mo na!" Sabi ng isang babae dun sa kasama nilang lalaki.

"Nakakahiya." sagot nung lalaki.

Ako naman ay kunwaring walang naririnig.

"Dali na, para sa project natin." Sabi naman nung isa pa nilang kasama.

Maya-maya ay lumapit sakin yung lalaki at yung isang babae na nagvivideo.

"Hi Sir, I'm Tom sorry to disturb you but where are you from?" He asked.

Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kanila. "Ay Pilipino po ako." sagot ko, at para naman silang napahiya. 

"Ay sorry sir, akala kasi namin korean kayo." sabi nya na nahihiya "pero can I interview you kahit saglit lang for project lang po?" Gusto ko sana tumanggi pero naawa naman ako.

"Sige." sagot ko na lang.

Mga ilang minuto ay natapos na ang interview, gusto pa nila ako ilibre pero sabi ko wag na. Bumalik na ako sa ginagawa ko kanina ng may umupo sa tapat ko.

Ano hindi na ba mawawalan ng istorbo? hindi ko na natapos ginagawa ko ah.

Pagtingala ko ay nakita ko si kuya Josh na nakngiti. Nginitian ko na lang din sya at tinuloy ang ginagawa ko.

"Busy ka?" He asked.

"Hindi naman masyado, tinatapos ko lang tong isang project ko." I said.

"Patingin nga." Sabi nya at inagaw ang ipad ko, aagawin ko san pero nilayo nya.

"Kuya Josh ibalik mo na, nakakahiya eh." 

Hindi nya ako pinansin at masuring tinignan yung animation. "Kinakahiya mo to? ang ganda kaya, parang hindi freshman yung gumawa." nginitian nya na ako at binalik yung ipad ko.

"Talaga? hindi mo ako binobola?"Di ako naniniwala sa kanya pero may alam din sya sa mga drawing dahil archi sya then mahilig din daw to magdrawing sabi ni kuya Stell kaya baka nagsasabi siya ng totoo.

Napatawa naman sya sa sinabi ko. "Maganda nga Jah, bakit naman kita lolokohin? loyal to no." para naman ako nabingi sa sinabi nya.

"Ha?" 

"Wala. Papasok ka na ba sa school? Tara sabay na tayo hatid na kita." He said.

"Papasok na rin." Sagot ko pero napatigil ako ng narealize yung sinabi nya. Ihahatid nya ako? bakit bata ba ako?

Naglakad na kami ni kuya Josh, nagkwentuhan kami habang naglalakad.

"Kamusta naman one week mo dito, naka adjust ka na sa environment?"  Tanong nya.

"Hindi pa, naninibago pa din po. Iba pala talaga dito sa Manila no ang ingay." sabi ko sa kanya.

"Masasanay ka din dito. Basta pag kailangan mo ng tulong nandito lang ako... I mean kami nina Stell." He said and smile at me.

"Thank you kuya Josh."

"Nakapaglibot ka na ba dito?" He asked again.

"Not yet, sa mall pa lang. Pero ililibot daw ako ni kuya pag may free time kami." Sabi ko at humarap na sa kanya dahil nakarating na kami sa room ko.

Saudade (Josh×Jah)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora