Chapter 29

860 38 11
                                    

"Bahala ka pag ikaw nauna--- Justin?!" Napatingin kami ni Tito John sa may pinto dahil sa narinig naming sigaw. Nagulat na lang ako na may tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

"Ate Jasha." Mahinang sambit ko sa pangalan nya. Napatingin naman ako sa lalaking nasa may pinto. Nandito siya, magkasama nanaman kami sa isang lugar ni Josh.

"It's been a while Jah!" Sabi ni ate Jasha at inalog-alog pa ako.

"Yeah." I chuckled. I don't know pero naging awkward nanaman ang atmosphere. Nagulat naman ako ng tumawa ng malakas si ate Jasha.

"Ang cold mo naman Jah! Hoy Josh nandito si Justin ano tititig ka na lang dyan?" Sinamaan siya ng tingin ni Josh at lumapit samin.

"Hi Jah." Josh smiled. Nginitian ko siya at humarap kay ate Jasha. Napansin kong nandito na rin pala si Tita at Japs narinig siguro nila ang boses ni ate Jasha.

"How are you ate Jasha? Lalo kang gumaganda." Pagpupuri ko sa kanya. Hinampas nya ako ng bahagya kaya natawa ako. Bakit parang magkaka ugali na silang magkakaptid? Dati pinaka makulit si Josh.

"Ganun talaga siguro pag inlove." She chuckled. Oh so may jowa na siya? Sabagay tumatanda na rin talaga kaming lahat. 

"Ah kaya pala hindi gumagwapo si kuya Josh?" Pang-aasar ni Japs kay Josh kaya binatukan siya nito. Nagtawanan sila pero ako ay nakatingin lang ng seryoso kay Josh.

"Inlove kaya yan si Josh." Sabi ni ate Jasha at nginitian ako. Napaiwas naman ako ng tingin. 

Sinasabi nya bang inlove sa akin si Josh? malabo mangyari yun kaya nya nga ako sinukuan eh? tapos hanggang ngayon mahal nya pa rin ako? Malabo talaga.

"Para kayong sirang dalwa!" Naiinis na si Josh dahil nakasimangot na.

"Tama na yan kakain na tayo baka gutom na si Jah!" Pagyaya ni Tita Stella. Buti na lang nagyaya na si tita baka ma hotseat pa ako dito kahit nakatayo kami.

Habang nakain kami ay todo asikaso silang lahat sila sa akin at hindi ko itatanggi na namiss ko ito ganitong ganito kami noon. "Kamusta naman acting nitong si Japs kanina?" Tanong ni Ate Jasha. Na bring up kasi namin yung about sa audition kanina.

"Infairness po magaling si Japs pero siyempre hindi lang ako yung mag dedesisyon sa pagpili." I explained and eat my stake.

"I told you Japs magaling ka." Tito John said and gave Japs a thumbs up. 

"Si Josh din magaling umarte." Napatingin naman kami kay ate Jasha. "Magaling umarte na -----" Naputol yung saabihin nya ng subuan siya ni Josh ng ng chicken.

"Kumain ka na lang napakadaldal mo ate kahit kailan!" Usal ni Josh. Natawa na lang ang parents nila sa kanila.

Tumahimik kami saglit pero maya-maya ay umingay na ulit. "Josh bakit di mo kinakausap si Jah? Parang dati close na close kayo." Tita said at naramdaman ko namang nag init ang mukha ko. Nagkatinginan kami saglit ni Josh pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. 

"Pagod lang mom tsaka nakapag catch up na naman kami ni Jah noong birthday ni Ken." He said while looking at me.

Catched up? Catched up na pala tawag dun? At pagod? Matagal na naman siyang napagod.

Pagkatapos namin kumain kahit gusto ko na umalis ay pinag stay pa ako nina tita dito sa bahay nila hindi naman ako makatanggi kaya nandito kami ngayon sa may pool area nila naliligo si ate Jasha at Japs habang nagkukwentuhan kami dito nina tito.

"Wait lang Jah ah pasok lang kami saglit iinom lang ako ng gamot." Sabi ni tito at tinanguan ko lang sila. Pinagmamasdan ko na si Japs at ate Jasha na nagbabasaan ngayon sa pool.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now