Chapter 15

889 37 6
                                    

"Anak nandyan si Krist sa labas hinahanap ka."Sabi ni mama pagkapasok ko sa kwarto.

"Sige po ma lalabas na po ako pakisabi po saglit lang."

Nandito ako sa Pangasinan ngayon umuwi muna ako dahil bakasyon na. Hindi ko kasama si kuya Stell dahil may on the job training sila nina Josh ngayong  summer, inshort busy sila kaya umuwi muna ako pero babalik din ako agad dahil baka magwala si jashkalen masyado ako mamiss.

Bumaba na ako at naabutan si Krist sa salas hinihintay ako.

"Hey wazzup?" pagbati ko sa kanya at niyakap siya saglit.

"Wow manila boy na manila boy ka na talaga." pangloloko nya sa akin.

"Gagi ako pa rin to."Kamusta?" tanong ko.

Dumating ang kasambahay namin at dinalhan kami ng makakain. "Thank you manang." Sabi ko at umalis na siya.

"Ayos lang ito nakaka survive naman." He chuckled.

"Ang bilis ng panahon no? Third year college na agad tayo next school year grabe." sabi ko at uminom ng Juice.

Tumango-tango naman siya sakin.

"Totoo pre tapos next year 4th year na tapos gagraduate na tayo." He said.

"Tapos adulting na." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at parang may iniisip. "Ay pre diba gusto mo mag-aral sa ibang bansa ng pagiging direktor? Natandaan ko nung highschool tayo lagi mong binibida sakin yon eh." Pagkukwento nya.

Binaba ko ang baso ko at sumandal sa couch. "Baka hindi na pre? Tagal ko ng hindi na papag-isipan yan eh simula nag college ako. Don't get me wrong gusto ko pa rin maging director, gusto ko pa rin mag-aral pero kung gusto ko ma train yon dito na lang siguro sa Pilipinas." I smiled at him.

"Bakit? Pangarap mo kaya yon matagal na. Bakit hindi payag boyfriend mo?" tumingin siya sa akin.

"Hindi, hindi naman namin pinag-uusapan yon eh ako lang yung may ayaw na pero tingnan natin pag-isipan ko." sabi ko.

Matagal ko na talagang plano yon bata pa lang ako gusto ko mahasa ang skills ko, well pwede na naman ako hindi mag-aral non mag-apply na lang ako sa mga production pero yun talaga matagal ko ng gusto ko para mahasa ako ng mabuti. Pero parang hindi ko kaya iwan si Josh? Alam ko naman na susuportahan nya ako pero pwede naman ako mag-aral na lang sa Manila eh.

"Ikaw ba ano plano mo?" tanong ko.

"Gusto ko mag law school eh. Sana palarin." Sabi nya.

"Kaya mo yan ano ka ba ang talino mo kaya." I cheer him up.

Maya-maya ay nagpaalam na si Krist sa akin at uuwi na daw sya. Pumanhik na ako sa kwarto ko at naalala ang pinagusapan namin ni Krist kanina.

Gusto ko talaga maging direktor, dun ako pinaka nag eexcel sa lahat ng ginagawa ko at pansin rin yon ng mga prof namin sa tuwing may movie project kami at iba pang video project ay ako ang nagiging direktor ag lagi akong napupuri nila.

Bata pa lang kasi ako mahilig na ako manood ng movies at mga series tapos lagi ko sinasabi kay na mama na magiging direktor din ako balang araw pero gusto ko talaga ay mag train ako sa USA hindi ko alam pero yun talaga ang nakatatak sa akin bata pa lamang ako.

Pero simula noong nag college ako nawala sa isip ko yun siguro masyado ako na occupied at nag enjoy hanggang sa nawala sa isip ko? Pero pag na o-open ang ganoong usapan ay yun pa rin ang timitibok ng puso ko. Siguro dahil passion ko talaga?

Napatigil ako sa pag-iisip ng mag ring ang phone ko, tumatawag si Josh sa messenger siguro ay nakauwi na siya.

Sa company ng parents ni Josh sila nag o-ojt ang apat, training ground na rin kasi ni josh to dahil magtatrabaho na siya sa company nila pagka graduate nya.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now