Bad

103K 2.4K 103
                                    

6

Noong araw na iyon ay maaga akong gumising. Sa malamang ay masakit ang ulo ng demonyo at kakailanganin niya nang pag alalay. Pagkatapos ng nakita ko kagabi ay naawa na rin ako kay Iñigo. Siguro ay napakalungkot niya. Hindi ko man alam ang buong kwento, pero alam ko kung anong pakiramdam nang maiwanan.

Napatigil ako sa pagtatali ng buhok ko nang maalala ko na naman kung paano ako napunta sa orphanage. Apat na taon lamang ako noon. Hindi ko na alam ang buong pangyayari, pero ang alam ko lang ay nagpunta kami ng Nanay at Tatay ko sa isla ng Siargao para icelebrate ang birthday ng Ate ko. Habang nasa barko ay nagkaroon ng gulo, nasunog ang deck ng Kapitan at nawala na ako. Hindi ko na alam kung paano ako makakabalik kina Nanay. Mabuti na lamang at ang batang August ay naroon din. Siya ang tumulong sa akin para makasama sa isang lifeboat.

Ilang araw rin akong nanatili sa DSWD, umaasa na may maghahanap pa sa akin pero wala. Hanggang sa dumating si Mother Amy at kinuha kaming dalawa ni Augustine.

Hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit hindi ako hinanap nang mga magulang ko. Hindi iilang beses na naisip ko kung may mali ba sa akin noong bata ako kaya hindi na sila nag abala na bumalik sa Siargao. Siguro ay matigas ang ulo ko o pabigat ako kaya mas naging madali sa kanila ang kalimutan na lamang ako.

Buong buhay ko ay alam kong walang akong kahit na anong karapatan para panghawakan ang isang bagay o ang isang tao. Kulang ako at alam kong kahit kailan ay hindi na ako mabubuo. Kung hindi lamang sa isang panyo ko na nakaburda ang pangalang Pamela Iris, baka iba pa ang pangalan na dala ko ngayon. Hindi ko rin alam ang birthday ko o kung apat na taon nga ba talaga ako noong nawala ako. I am a mess.

Bahagya akong umiling para mapawi ang iniisip ko. Masyado pang maaga para magmuni muni Iris! Mamaya ay kailangan ko pa palang pumunta kina Ma'am Daphne para gawan ng portrait iyong kambal niya. Binilisan ko na lamang ang pagluluto nang almusal ni Iñigo para makapag ayos na rin ako.

Inilapag ko na ang sinangag at ilang piraso ng bacon, ham at hotdog sa lamesa bago ko tinanggal iyong apron. Kumuha ako ng maliit na sticky note at sinulatan iyon.

'Ubusin mo yan. Wag kang magsayang. Maraming batang hindi kumakain.

May gamot rin para sa sakit ng ulo dyan sa tabi ng juice.

-Iris

Ay, ngumiti ka naman Iñigo Shaw!'

Natatawa ako habang isinusulat iyong panghuling pangungusap. Sa isang linggo ko rito sa bahay ni Iñigo ay hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Ang snob kasi talaga noong lalaking iyon. Parang ang damot ng ngiti niya. Napakamahal na ginto iyong gagawin niyang pag alis sa simangot niya.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko para sa pagpipinta. Iyong paborito kong putting shirt ang sinuot ko at itim lang na shorts. Dala dala ang dalawang piraso ng canvas at ang mga pintura ko at charcoal pen, umalis na ako.

Noong makarating ako sa bahay ni Ma'am Daphne ay sinalubong agad ako ng kambal. Naglalaro sila ng basketball at parehong pawisan. Naunang lumapit si Faith sa akin bago sumunod sa kanya si Sky.

"Ganda ni Ate Iris ah." Biro ni Faith sa akin. Iyong bola ay pinaglalaruan lamang niya sa kanyang braso.

"Bolero ka na naman Faith." Ganti ko. Ngumisi lang siya at nauna na akong pumasok. Nakita ko si Ma'am Daphne sa may lamesa at kinukuhanan ng litrato ang pagtulo ng pawis ng yelo sa baso. Tumikhim lamang ako kaya napaharap na siya sa akin. iyong ngiti niyang tatalo yata sa liwanag ng araw ang bumungad sa akin.

"Iris!" masayang bati sa akin ni Ma'am Daphne. Agad niya akong binalot sa yakap bago ako hinila paupo sa sofa. Personal siyang pumunta sa kusina at pinaghanda ako nang makakain. Sumunod na lamang ako sa kanya at tumulong sa pagluluto.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon