Chapter 29

288 47 0
                                    

Within how many months ay naging masaya kami na tila ba napag-iwanan namin ang problema.

"Grabe, malapit na agad 'yung Christmas. Parang kahapon lang, problemado ka pa. Parang kailan lang, kaaway pa kita, Bella." Whyrhus spoke and I just took a gaze to him.

Narito kami sa bubong ng bahay namin. It feels really good. Dati, ako lang mag-isa but now, may kasama na.

Kay mama Zymie pa rin ako umuuwi ngunit pagdating ng pasko ay lilipat na kami sa mansion kasama ang pamilya ng taong kasama ko ngayon sa taas ng bubong.

"Look at the moon! It is beautiful, isn't it?"

"I love you too, Whyrhus," matamis kong tugon.

"Alam mo pala ang kahulugan ng linyang iyon?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"I do," matipid kong tugon at tumayo. "You are the apple of my eye, Whyrhus."

"I love you too, Bella." Tumayo na rin siya at hinawakan ako sa aking mga pisngi. "It's a revision of 'I love you', right?" I just nodded.
"Though the other term of feelings will express throughout unfamiliar statements but my heart chose to understand it," he said.

Saksi ang buwan sa dalawang taong minsan nang pinagtagpo ng tadhana sa hindi maayos na sitwasyon. Saksi rin ang buwan sa dalawang diwang pinagtagpong hindi magkasundo ngunit kalaunan ay nagkahulugan din ng loob. Ang daming nangyari, hindi ko alam kung maniniwala ba agad ako dahil tila isa itong mahika na dinala agad kami sa maayos na sitwasyon. Hindi rin naman din kasi naging madali ang kinakaharap naming pagsubok bago kami napunta sa oras na ito.

"Baba na tayo? Alas nuwebe na, I need to go na rin." Tumango ako at bumaba na kami ng bubong.

He always visited me since the day of revelation.
Si Jay? Minsan ko na lang siya sumagi sa isipan ko. Hindi pa rin ako nakapagpasalamat sapagkat hindi ko pa rin tanggap na ginawa niya ang bagay na iyon. I just promised na aalagaan ko ang mga mata niya.

Wala pang nababanggit tungkol sa operasyon nito. Gusto ko siyang bisitahin bukas na bukas sapagkat wala nang pasok dahil obviously, Christmas to New Year's vacation na.

"Tita Zymie, hindi na po ako magtatagal kasi paniguradong mag-aalala sina mama at papa sa akin," panimula ni Whyrhus nang makita si mama sa sala. "Mauna na po ako, have a great night po!" Hindi sumagot ang aking ina at iyon ang pinagtaka naming dalawa.

"Ma!" Bigla siyang natumba at agaran naman namin siyang nilapitan. "Ma!" Pilit ko siyang ginigising sapagkat nawalan na ito ng malay.

"Tita!" Binuhat agad ni Whyrhus ang ina ko at tarantang lumabas bago ko naman sinarhan ang pintuan ng bahay. Saka ko binuksan ang gate at isinakay namin si mama sa kotse ni Whyrhus.

"Ma, jusko!" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. No! Ma, hold on, please.
Natataranta ako sapagkat wala talaga akong makalap na dahilan kung bakit siya nahimatay.
Nakarating agad kami sa hospital at mabilis na sinakay sa kama de-gulong patungong emergency room.

Ch-in-eck up ng doctor ang ina ko.

"How is she, Doc?" tanong kaagad ni Whyrhus.

"No need to worry, she's okay now. Pahinga lamang ang kailangan niya. Masyado lang siyang pagod kaya nag-collapse ang cells ng utak niya at nawalan ng malay. Pasalamat pa rin tayo dahil nadala natin siya kaagad sa hospital." Thanks God! Umalis kaagad ang doktor matapos magsalita.

"May hindi ba sinasabi sa iyo si tita, Bella? Wala ba siyang nabanggit na pwede nating ikonek sa nangyari ngayon?"

"I didn't remember anything, wala akong alam. Hindi naman nagkukwento sa akin si mama. Ganoon na ba ako kawalang kuwentang anak na kahit ang kalagayan ng ina ko ay hindi ko magawang itanong?" Naluluha akong tinitingnan ang kalagayan ng ina. "But the doctor said, pagod lamang ito." Napabuga ako ng hangin at hinalikan ang kaning kamay.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now