Chapter 18

286 53 1
                                    

Buwan na pala ang nakalipas simula nang hindi na ako makakita. Marami ang nangyari sa loob ng isang buwan na iyon.

Two weeks ago, binisita na naman ako ng aking mga kaklase na pinangunahan ni Kelly.

Pinapaalam na lang nila kung ano ang mga dala nila. They are always there to cheer me up and to motivate me. Unti-unti ko na ring natatanggap ngunit may iilang pagkakataon na bigla na lang sasagi sa isip ko ang pagiging walang kuwenta.

Hindi ako makakita at paniguradong hindi na ako muling makakita pa. I need a donor ngunit imposible namang magkaroon kasi sino nga ba naman ang kayang palitan ako sa pwesto bilang bulag?

Pinakanta nila si Whyrhus, iyon ang hiling ko. I requested The Gift by Jim Brickman.

Ewan pero naging paborito ko na iyon simula nang marinig ko siyang kumanta noon. Habang kinakanta niya iyon ay mas lalo lamang akong patagong nahuhulog kay Whyrhus, at habang kinakanta niya ang bawat liriko ay nagpa-flashback naman ang alaala naming hindi pinaganda ng isa't isa sapagkat away at inis lamang ang namamagitan sa amin noon.

"All I want is to hold you forever…" Ang gandang pakinggan. Maskulado ang boses niya, ang lamig-lamig pakinggan,  at sobrang lalaki. Tila lahat ata ng makakarinig ay parang mababaliw sa tinig ng kaniyang boses.

"All I need is you more everyday…" Iyon ang palaging tumatak sa isip ko kahit saan man ako ilagay.

Bumibilis ang tibok ng aking puso habang binabalikan ang mga lirikong iyon. Oo, gustong-gusto ko siyang makasama sa walang hanggan at siya lang 'yong kailangan ko araw-araw.

Ngunit wala namang nakakaalam na may nararamdaman ako para sa isang Whyrhus Alcomendras.

Gusto ko na siyang makita. How I really wish na muling makakita ulit.

Narito ako sa aking kuwarto, silid kung saan ay hindi ko na muling masilayan pa. Yes, nakauwi na ako.

Isang buwan na rin. Ang hirap. Ni kahit pagkain ko ay hindi ko makita, ni sariling mga kamay at paa ay hindi ko nakikita.

Si mama? Bati na kami ng aking inang si mama Zymie. She did everything for me, ginawa niya lahat ng makakaya niya. Inaalalayan, inaalalagaan, at mas lalo ko lang naramdaman ang kaniyang pagmamahal. Naikuwento ko na rin kay mama ang tungkol sa pagkikita ni papa at masaya siyang nalaman iyon.

Pa, salamat sa mga payo mo ah?

"Bella? Dinner time na." Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nagsalita naman si mama.

I managed to stay behave and genuine smile plastered on my face.

"Ano po ulam, Ma?" bungad kong tanong sa kaniya.

"Hulaan mo, dali!" Natutuwa niyang sabi at naramdaman ko naman na nilapit niya sa akin ang ulam.

"Adodo—adobo pala hihi. Natatakam ako, mama. Gusto ko na pong kumain." Animo'y naglalaway na ako at gustong-gusto ko na talagang tikman ang niluto niyang adobong baboy. Paborito ko iyon.

Naramdaman ko naman ang pagsubo sa akin ni mama.

Alam kong hirap na hirap na siya sa pag-aalaga sa isang tulad kong bulag.

"Ma? Hindi ka ba napapagod sa pag-aalaga sa akin?" Hindi ko kinain ang pagkain nang maramdamang isusubo na ito ng aking ina at agad siyang tinanong.

Hindi ko makita ang reaksiyon nito. Malamang kasi bulag ako.

"Bakit mo naman naitanong iyan, Bella?" Takhang natawa ito at muli akong pinakain ngunit hindi ko binuksan ang aking bibig.

"Ma, hindi ka po ba napapagod sa akin?" Ulit kong tanong dito.

Tumikhim siya bago sumagot, "Never akong mapapagod, Bella. Never mapapagod ang isang ina para sa kaniyang anak."

"But I am not you biological daughter, Ma."

"Yes, you are. You are my daughter, okay? Hindi basehan ang pagiging mag-ina sa kanilang pinagmulan kung hindi sa puso, Bella. Mahal kita kahit hindi ka sa akin nanggaling at malabong mapagod ako…" Panandalian itong tumigil at hindi na ako nagsalita pa. "Kung mapagod man ako, iyon siguro ang panahon ng buong pagsasakripisyo ko." Biglang pumintig ng mabilis ang puso ko sa narinig.

"What do you mean, Ma?" Kumunot ang noo ko habang nagtatanong.

"Huwag mo nang isipin iyon, anak. Heto, tapusin mo na ang hapunan mo." Hindi ko na rin pa pinansin ang sinabi niyang iyon at nagpatuloy sa pagkain habang inaalalayan ako nu mama

"Ma, pasuyo po ng tubig," suyo ko na agad din naman binigay sa akin ni mama at inalalayan akong uminom.

Busog na busog ako.

"Oh siya, Bella, dito ka muna. Liligpitin ko lang 'to…" paalam niya ngunut pinigilan ko siya.

"Ma, may tanong ako."

"Sige, ano iyon anak?"

"Saan ko po ba mahahanap si Kaiza—'yung tunay kong ina? I mean, saan ko po siya pwedeng makita. Ay ano ba! Saan ko po siya pwedeng matagpuan?" Napakamot ako sa aking batok dahil laht ng sinasabi ko ay hindi ko na magagawa.

"She is your classmate's mom…" sagot ni mama dahilan upang magulat ako.

"P-Po?" nalilitong tanong ko. Baka nabibingi lamang ako.

"You heard it, right? May kapatid ka sa isa sa mga kaklase mo."

"Hindi po ba ito prank, mama?" Bahagyang napatawa si mama sa tanong kong iyon.

"Hindi ako marunong sa ganiyang bagay, Bella. Ayokong tukuyin ang taong ito. Ayoko munang magsalita. Kailangan mo munang maka-recover bago muling imulat ang sarili sa reyalidad," payo ng aking ina at napasang-ayon lamang ako.

Ngunit sino ang kapatid ko? Si Kelly ba? Kasi para naman talaga kaming magkapatid, 'di ba? Isa pa, parehas naman kaming cute at magkasundong-magkasundo.

Lalaki ba siya o babae? Ngunit sino?

"Ma, hindi ko ba maaaring malaman ang kasarian niya? Kahit iyon lamang po," pakiusap ko.

"Again, Bella. Not now. You need to recover first. Naiintindihan mo? Ayokong nakikita ka na namang umiiyak dahil sa mga problema, Bella," mahinahon niyang tugon na siyang nagpatango sa akin.

"O-Opo…" matipid kong sagot at pilit na pinapakita ang isang ngiti.

"Oh siya, iiwan na muna kita. Matulog ka na. Huhugasan ko muna itong pinagkainan mo bago ako matutulog. Good night, Bella." Hinalikan niya ako sa pisngi at mabilis nang umalis.

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka lamang ako bumuntong hininga.

Gumapang ako at kinapa ang kama upang sumandal sa headboard.

Alam kong hindi ganoon kadali ang mag-alaga ng isang bulag na kagaya ko.

She is my hero, my everything, by the way she is my mom.

Pinahiran ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ni sariling pag-aaral, hindi ko na naaatupag. Paano na ako nito?

"Tama pa ba ang maging ganito?" Ayon kasi sa doctor ay 50/50 ang posibilidad kung makakakita pa ba ako o hindi na.

Sabi pa niya kasi, baka after ng isang buwan ay babalik na ang aking paningin ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Sobrang dilim na tila ba hindi ko na makita 'yung kinabukasang pinapangarap ko.

Sa kabilang banda ay hindi ko ring maiwasan ang hindi isipin kung sino ang posibleng kapatid ko?

Totoo ba talaga ang nangyayari sa akin? Ampon ako. May tunay na ina ngunit hindi ko naramdaman ang pagiging tunay na ina niya, at may hindi tunay na ina ngunit labis ang pagiging ina ang pinaparamdam sa akin. Tapos ngayon, biglang susulpot na naman ang isang bagay, na may kapatid akong isa sa mga kaklase ko.

Sino?

Ngunit tama si mama, I need to recover first bago harapin ang kasunod na pagsubok.

Be brave na lang kahit mahirap, have courage also, and be strong.

Humiga na ako nang makaramdam ng antok.

Haisst.

A/N: Don't forget to VOTE :)

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now