Chapter 21

274 47 1
                                    

"Mag-usap tayo!" madiin na madiin kong sabi kay Kaiza at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang braso bago pa man ito makalampas sa akin.

"What the! Ano ba ang ginagawa mo, Jay?! Let me go!" Pilit nitong binabawi ang kaniyang braso ngunit tininggan ko lamang siya ng masama. "Whyrhus, son! Help me." Paghingi niya ng tulong sa kakambal ko na nakapamulsang nakatayo lamang sa aking likuran ngunit hindi siya pinakinggan.

"You need to tell a story," ani ko.

"Story? Nagpapatawa ka ba? Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" iritableng singhal niya at akmang sasampalin ako nang hinawakan ni Whyrhus ang isang kamay nito upang pigilan.

Tumango kami sa isa't isa at binuhat si Kaiza patungong basement ng bahay.

Nagsisigaw si Kaiza na ibaba na siya ngunit hindi namin ito pinapakinggan.

Matapos ang kuwento ni Mrs. Marpe ay umalis agad ito habang umiiyak. Gustuhin ko mang sundan ngunit nagdadalawang isip ako sapagkat hindi ko pa narinig ang tunay na kuwento ng aming ina na si Kaiza. Pinigilan din ako ni Whyrhus at pinaupong muli.

Gulat na gulat ang lahat at napatahimik lamang ang mga kaklase ni Whyrhus na tila ba nananaginip lamang sila.

Biruin ninyo? Naging kami ni Bella noon. Naging magkaklase ngunit magkaaway naman sina Whyrhus at Bella noon. Tapos biglang lilitaw ang balitang magkapatid kaming tatlo. At ngayon biglang binago ng kuwento ni Mrs. Marpe ang katotohanan. Panghuli, uususain na naman namin ang inang nagpalaki sa aming magkambal upang mas maliwanagan pa mula sa hindi pa plantsadong katotohanan.

"Ma, gusto ko lang marinig ang totoo. We will not hurt you. Just please, please tell us the truth…" malambing at mahinahong ani Whyrhus.

Hindi na ako magtataka, mahal niya si mama. Mama's boy si Whyrhus. Ni hindi niya nga magawang makatulog noon kung wala ang ina sa tabi nito.

"Son, ano ba ang pinaggagawa ninyo?" naguguluhang tanong ni mama.

"Totoo bang kapatid namin si Maria Isabella Sarmiento? Totoo bang kapatid namin ang babaeng bulag na ngayon? Totoo bang anak mo ang anak nina Mr. Jovan Sarmiento at Zymie Sarmiento?"

"Ano kamo? Bulag na ang anak ko? Tama ba ang narinig ko, Whyrhus?" Tumayo ito at hinarap ang kambal ko.

"Tell us the truth first bago namin ikuwento sa inyo ang kalagayan ng sinasabi mong anak na kukunin mo!" Alam kong pinipigilan ng kapatid ko ang pagsigaw sa ina. Nakakuyom itong malalim na ang kaniyang mga hininga.

Umupo ang aming ina sa isang silya at nagsimula nang manginig ang kaniyang labi. Napatingala pa ito upang pigilan ang kaniyang mga luha.

"I am Kaiza Montealba nang hindi pa kami kasal ng papa ninyo and I have a bestfriend named Ruzzielle Gaye. Pareho kami ng taong nagugustuhan ngunit mas pinili ni Ruzzielle ang magparaya para hindi ako masaktan. Masyado akong naging makasarili noon. Hindi ko rin masisisi sapagkat mahal ko ang ama ninyo at minahal din ako ni Mike ngunit isang buwan lamang ang makalipas nang nakaramdam ako ng sawa sa ama ninyo. Puro siya pag-aaral at busy sa kompanyang namana niya mula sa kaniyang mga magulang na naaksidente sa sinasakyan nilang eroplano patungong ibang bansa kaya sa murang edad ni Mike ay naging negosyante na ito. Pamamahay ito ng lolo't lola niyo…" Huminga siya nang malalim at nakatitig lamang sa sahig.

"Proceed," walang gana kong sabi.

"Nagpakasaya ako at hindi inaasahang makilala si Jovan. Sawing-sawi ito noon, tila ba nakalimutan kong may kasintahan ako. Umuulan iyon, naging taga-alalay niya ako. We met at the club… we both drunk and my child was made right before that night ends." Ibig sabihin ay aksidente lamang ang lahat?

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now