Chapter 9

363 58 8
                                    

"Ma, maaari niyo na po bang sabihin sa akin kung sino si Kaiza?" I asked my mom sort of confusion.

It's already 8:30pm ngunit nandito kami ni mama sa sala. Nanonood siya ng TV ngunit pinatay rin naman agad.

Ilang araw ko nang iniisip si Kaiza eh. Hindi rin naman daw siya aso ni papa. Maybe sa pagkakataong ito ay baka malaman ko na kaya binalak kong itanong ito sa kaniya.

"She is she," sarkastikong sagot ni mama Zymie at iniwan ako sapagkat nagtungo itong kusina.

"Mama naman eh! Para mo naman akong hindi pamilya niyan! Sekretong malupit ba 'yan?!" Pasigaw kong tanong upang marinig nito ang boses ko.

"I told you, this is not the right time to talk about it!" ganting sigaw rin nito.

Puro na lang right time. Kailan ba 'yung right time na iyon? Kapag nakapatay na ako ng langaw?

"Ma naman eh! Makatulog na nga lang!" Pagdadabog ko at nagtungong kuwarto saka palundag na humiga ng kama at nakatitig sa kisame.

May butiking naghaharutan, yuck.

Nanggugulo lang talaga itong Kaiza na 'to! Hmp! Kapag talaga nalaman ko kung sino siya, humanda siya sa akin! Bisitahin ba naman si papa sa puntod.

Umiling ako ng ilang beses at binalikan ang tagpo noong party nina kuya Yaniko at ate Eraiza.

Tatlong araw na rin ang lumipas ngunit tila kanina pa lamang ito nangyari. Bakit nandoon si Jay?

Sinabi niyang ninang niya ang mama ni Daniella na si tita Gail ngunit bakit hindi ko ito alam noong kami pa? Paano sila nagkakilala ni Whyrhus? At bakit mukha itong magkagalit sila?

Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa sila.

Baka naman kasi ay nagkataon lang ang pagkikita nila? Hindi naman siguro masamang manghula, 'di ba? Baka rin naman kasi ay—oh no!

Baka si Whyrhus ang naging dahilan ng paghihiwalay namin!

Oh gash!

Baka pinagpalit ako ni Jay sa lalaki!

Tapos, tapos, isa pa, tapos hindi rin nagtagal ang relasyon nila! Wah! Bakla silang pareho! This can't be, ay, can be pala kasi bagay naman sila eh. Well, support ko na lang si ex na minsan ko nang naging mundo sa pag-iibigan nila ni Whyrhus.

I stood up at nahagilap ng aking mata ang litrato naming tatlo ni mama at papa.

We were happy way back then. Miss ko na talaga si papa. I can't help myself but still flashing our memories back everyday.

Knowing your love ones already in heaven is a kinda different kind of pain.

You can't do nothing but to miss them everyday.

Ewan pero napatulo na naman ang luha ko.

Sobrang sakit mawalan ng ama. 'Yung mga pangakong hanggang alaala na lang kasi wala nang tutupad nun.

Bakit ka pa kasi naaksidente pa? Bakit hindi ka nag-ingat?

If only I could go back in time, I will save you, Pa…

Sob!*

Napasinghot ako nang biglang tumulo ang aking mga luha at niyakap ang litrato naming tatlo ni mama.

Napapikit pa ako at dinamdam ito.

Hoping that papa is here.

Out of the sudden, a mild air blow and it was like hugging me.

"P-Pa…" tanging sambit ko ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak.

Thanks for insinuated me, Papa.

Hindi ko namalayan ang takbo nang oras sapagkat ako'y nakatulog na pala.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now