Chapter 11

320 52 3
                                    

Month passed by nang hindi ko na pa nakita si Jay at wala na rin akong balita sa kaniya kahit na iisa lang kami ng school.

Iyon naman ang gusto ko, edi panindigan.

Ang hirap naman kasing paniwalaan ng mga sinasabi niya and that Whyrhus? Beh, binuhusan ako ng pintura, nilagyan ng bato ang bag ko, pinunit lahat ng notebooks ko, hinagis ang bag ko sa ground floor, at ang mas malala pa ay ni-lock nito ako sa isang lumang library ng License.

Sobrang dilim nun at halos hindi na ako makahinga sapagkat pahirapahan ang pagpasok ng hangin doon.

Napunta lang naman ako roon dahil kinarga niya akong parang bigas at biglang pinasok. Parusa ko raw dahil sinampal ko ang girlfriend nito.
Isa pa, hindi ko nga alam na may lumang library pala sa Unibersidad ngunit ang mas nakakapagtaka ay hindi ito naka-lock. Weird.

Sa loob ng isang buwan ay mas lalo pang lumiit ang kukuti ng Dahulo na iyon.

"Isa lang ang masasabi ko. Malabong magbago ang taong ayaw magbago," siyang bulong ko at  tumingala ako sa kalangitan.

Narito ako sa bubong ng bahay namin. Sobrang aliwalas ng gabi at gusto kong mag-isip ng masinsinan.

Nagniningning ang mga bituin na siyang nagpangiti sa akin.

Gaano man kalungkot ang gabi ko, natatanggal naman ng mga ningning nila ito.

I can't really help but to smile despite of problems.

Alam niyo ba? May aaminin ako. Nagugustuhan ko na siya, kahit pa sobrang pangit ng ugali niya. Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula ngunit alam kong may nararamdaman na ako para sa dahulong salbahe.

Nasasaktan ako sa tuwing magkasama sila ni Risha. Sobrang saya nila. Minsan ko na ngang nakikitang nagdi-date sila sa pinakamalapit na parke ng paaralan.

Wala akong magagawa, iba ang kasiyahan niya.

Akala ko ba pastime lang si Risha katulad ng sinabi ni Jay? Ngunit bakit umabot sila ng buwan? Akala ko ba mahal ako ni Whyrhus? Pagmamahal ba ang nagagawa akong saktan? Nice. Bakit ba kasi kailangan mo akong utuin, Jay?

Masyado na kayong mapanakit.

Nagsimula na namang manginig ang aking mga labi at niyakap ang sariling mga tuhod. Barefoot on the roof and started crying. I can't help it…

"Ang hirap magkagusto sa taong katuwaan lamang ang tingin sa iyo…" Napasinghot ako't nagpatuloy sa pag-iyak.

"You can tell to me your problems…" Hindi ko napansin ang pag-akyat ni mama sa bubong dahilan upang mapatigil ako sa pag-iyak. Hindi ko rin alam kung narinig niya ba ang sinabi ko. Mukhang hindi naman siguro, pag-iyak lang ang naabutan ni mama.  "Ask me anything and I will answer it honestly. Ayokong nakikita kang ganiyan. Hindi ko kaya. Ano'ng problema, Bella?" Tumabi si mama sa akin at inakbayan ako.

"Gulong-gulo na ako, Ma. Hindi ko na alam pa kung saan ko ilulugar 'yung sarili ko. Everything that happened to me is always ended up of confusion… nalilito na ako kakaisip kung paano lumabas sa isang hawlang puno ng problema," malungkot kong tugon nang hindi man lamang siya binalingan ng tingin.

"Makikinig ako," matipid niyang saad.

"Maaari ko na bang malaman kung sino ang taong bumibisita kay papa?" Ang daming puwedeng itanong ngunit tungkol kay Kaiza ang napiling lumabas mula sa bibig ko. Deritsa kong tiningnan si mama na ngayo'y pinatong na rin ang dalawang braso sa kaniyang mga tuhod.

Napaiwas ng tingin si mama na tila hindi inaasahan ang tanong ko.

"Hindi ko labis maisip na naaalala mo pala iyon. Akala ko nawala na sa isip mo ang bagay n—"

"Ma, ayoko nang paikot-ikotin pa 'yong usapan. Sino si Kaiza?" seryosong singit ko sa kaniyang pagsasalita.

"Ipangako mo muna sa aking mamahalin mo pa rin ako, Bella. Ipangako mo muna sa aking hindi mag-iiba ang trato mo sa akin bilang ina mo. At higit sa lahat, ipangako mo naman sa akin na hindi mo ako iiwan," mahina ngunit may tensiyong sagot niya.

"What do you mean? Bakit? Sino ba si Kaiza?"

"She's your biological mother…"

Ano?!

"Mama naman eh! Huwag nga kayong magbiro ng ganiyan! Mas lalo niyo lang naman pong ginugulo 'yung utak ko!" Tumayo ako at animo'y sinesermonan ang ina.

"Hindi ako nagbibiro, Bella. She's your real mom. Nagbalik na ang iyong ina para kunin ka sa akin. I am so sorry kung tinago ko man sa iyo ang totoo pero ito lang ang masasabi ko, hindi ako ang tunay mong ina kung hindi ay si Kaiza," malungkot niyang paliwanag nang hindi man lamang gumagalaw sa kaniyang puwesto. "Pero ako pa rin naman ang ina mo, 'di ba? Bella, ako pa rin naman, 'di ba?" Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko sapagkat ayokong paniwalaan si mama.

Ngunit paano?

"M-Ma, huwag naman po sana kayong magbiro…" pagmamakaawa ko.

"Gustohin ko mang sabihin na sana biro na lang talaga ito pero hindi eh. Iba 'yung mama mo at hindi ako iyon, 'nak. Mahal na mahal kita ngunit hindi kita pagmamay-ari. I am just nothing. Kung babawiin at ilalayo ka sa akin ni Kaiza, mahirap man pero kailangan kong tanggapin. Ni hindi kita tinuring na ampon, Bella. Tinuring kitang parang sa akin nanggaling. Inaalagaan, pinalaki, at minahal—"

"Paano? Paano kami naghiwalay ng ina ko?" Naririndi na ako.

"B-Bella…"

"How?!" sigaw ko at bahagya naman itong nagulat.

"Because of sterility. I can't give your dad a baby. Gustuhin ko mang kumuha ng surrogate mother ngunit kulang ang perang inipon namin para sa laboratoryo nito. Iyon rin ang naging dahilan kung bakit kami naghiwalay at naghanap ang papa mo ng babae, babaeng kayang ibigay ang gusto niya. Nabuntis niya ang ina mo ngunit nang manganak ito ay inabanduna ka niya. Gabi at umuulan nun nang bumalik ang papa mo sa akin dala-dala ang isang sanggol. Basang-basa kayong pareho nun, pinatuloy ko ang ama mo at tinanggap pa rin siya kahit dala-dala ang batang bunga ng pambabae niya. Nakiusap ang ama mo sa akin na tanggapin siya ulit kasama ang sanggol." Sandali itong napahinto at pinahiran ang luhang kanina pa pala tumutulo. Kirot naman ang binigay nito sa akin. Ayoko ring nakikita siyang umiiyak. "Mahal na mahal ko si Jovan, tinanggap ko siya ulit pati na ikaw, Bella. Namuhay kaming masaya kasama ka. Tinuring kitang tunay na anak at kailanman ay hindi ko pinaramdam na ampon ka lang. Mahal ko kayo ng papa mo, Bella. Una na akong iniwan ni Jovan at alam kong iiwan mo na rin ako pagdating ng araw…" Ayoko mang paniwalaan ngunit alam kong nagsasabi siya ng totoo.

Kilala ko si mama, hinding-hindi siya magbibitaw ng masasakit na salita ngunit ito ang una niyang pagkakataon upang saktan ako at tumagos ito sa pinakailalim ng puso ko.

Hindi ko rin malaman kung ano ang sasabihin ko. Galit ako ngunit naaawa ako sa babaeng nasa harap ko.

She was once a martyr just because of her love to papa and me.

She raised me up and she stood up as my mom.

But why does she need to hid it for that long?

"It is okay if you want to leave. Your mom is waiting for you, my Bella. Basta tandaan mo lang ah? Ikaw pa rin ang anak ko. Nagpapasalamat akong dumating ka at hinayaan mo akong iparamdam sa akin kung paano maging isang ina. Hindi man madali ngunit kinaya ko para sa iyo…" dagdag niya pa at tumayo siya bago ako tiningnan.

Lalapitan niya na sana ako nang bigla akong mapaatras at dali-daling bumaba ng bubong.

Narinig ko pa ang pagtawag ni mama ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

No! Hindi pa ako handa! Ayoko! Akala ko ba malilinawan ako? Ngunit bakit? Bakit mas lalo niyo lang akong ginulo.

Muntikan pa akong matapilok sa labo ng daan dahil sa aking mga luhang hindi tumitigil sa pagtulo.

Umiiyak akong tumakbo palabas ng gate ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay may isang motorsiklong mabilis ang takbo at bigla akong nabundol ng motor niya dahilan upang ako'y mapahiga at magpagulong-gulong sa daan.

"Bella!" Narinig ko pa ang sigaw ni mama ngunit hindi ko na magawa pang tugunan ito.

At sa hindi sinasadyang pangyayari ay tumama ang aking ulo at mga mata sa mga bato't dahilan ng pagkawalan ng aking malay.

A/N: Don't forget to VOTE :)

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now