Chapter 26

293 47 1
                                    

Mas lalo lamang akong kinain ng kalitohan. Two months nang hindi umuuwi ang aking ina ngunit ang labis na nakakapagtaka ay mayroong nagpapadala sa amin ni Kelly ng mga pangangailan sa araw-araw lalong-lalo na ang pagkain.

Minsan na rin naming naitanong sa isa't isa kung kanino iyon nanggaling ngunit wala kaming natatanggap na kasagutan. Iniiwan lang nito sa labas ng bahay at hindi namin nahuhuli kung sino ang naglagay sapagkat abala kami sa paaralan.

Kung nagtataka kayo kung bakit parang sa amin na nakatira si Kelly ay dahil pinayagan siya ng mama niya upang may makasama rin ito sa muling pagbabalik ng mga magulang niya sa abroad para sa isang business trip.

Hindi ko rin magawang itanong kay Whyrhus ang tungkol sa katotohanang gusto ko nang malaman dahil iniiwasan niya ako. May nagawa ba ako? Wala naman akong maalala na mayroon akong atraso sa kaniya. Or maybe, balik na naman kami sa pagiging magkaaway. Iyon ba ang gusto niya? Ma-attitude ata siya sa parteng iyon ngunit nais kong seryosohin ang lahat katulad ng ginagawa niya.

Sa banda niya, masyado lang ata sumobra ang pagiging seryoso niya sa mga bagay na kinakaharap nito.

Sa kabilang punto, hindi ko na talaga nakikita pa ang taong gusto kong hingian ng tawad, si Jay. Nagsisisi akong sinabi ang mga katagang ayoko na siyang makita pa.

Paano ako hihingi ng tawad kung hindi siya makita?

Kasalukuyan akong nakaupo sa aking silya. Hindi pa dumarating si Kelly. Hindi kami sabay pumasok dahil may pupuntahan daw muna siya bago pumunta rito.

"Bella? Are you okay? Kanina ka pa tulala eh." Nagising ang diwa ko nang biglang sumulpot si Daniella sa harapan ko at kinaway-kaway ang kanang palad nito sa harapan ng pagmumukha ko.

"I am," matipid kong tugon at nginitian siya.

"You can tell me what's bothering you right now. I can lend an ear…" Umupo ito sa bakanteng silya na nasa tabi ko which is ang upuan ni Kelly.

"I just wondering if—nevermind," putol ko sa aking sasabihin.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Tamang-tama ang timing mo. Si Jay, inaanak siya ng mommy mo, right? Have you ever heard any information about Jay? I'm just wondering where he is. Dalawang buwan ko na siyang hindi nakikita. May importante pa naman sana akong sasabihin at itatanong sa kaniya."

"Oh, s-sorry pero wala akong balita, Bella. S-Sige, balik na ako sa u-upuan ko ah? Have a nice day!" pilit siyang tumawa at mabilis na nagtungo sa kaniyang silya. Muntikan pa itong matapilok sa pagmamadali.

Weird, sobra.

May alam kaya siya? Ewan.

"Bella!" Napatingin ang lahat sa pintuan nang biglang isigaw ni Kelly ang pangalan ko na tila ba ay isang dekada kaming hindi nagkikita.
Kararating niya lang, obviously haisst.
"Bella!" tila ba hindi maipaliwanag ang kaniyang itsura. Ano ba ang gusto niyang gawin?

"Hoy, Kelly! Mukha ka namang natatae diyan!" singit pa ni Harry.

"Tse! Nahihirapan na nga akong simulan eh!" pagmamalditang bara nito.

"Sa totoo naman ah? Ano ba ang nangyayari sa iyo?" Hindi pa siya nakarating sa akin at nanatiling nakatayo lamang sa pintuan nang naghahatid pag-uusap sina Harry at Kelly.
Masyado pang maaga at alam kong hindi agad dadating ang guro ngayon.

Ano pa ba ang ginagawa niya diyan? Balak niya ba'ng manatili o lalapit pa sa akin? At saka saan ba siya nanggaling?

"You are too annoying, Ms. Fransisco!" Biglang tumayo si Whyrhus at seryosong tinitigan si Kelly.
Iyon ata ang unang beses na nakatanggap ng singhal si Kelly mula kay Whyrhus. Kita sa reaksiyon ng kaibigan ko ang pagkagulat.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now