Chapter 5

448 69 9
                                    

It's been a week when I confirmed accidentally that Whyrhus is a mama's boy indeed. Well, hindi naman masama iyon, ang sweet niya nga eh. Sana kunin na siya ng mga langgam.

Sabado ng umaga ngayon at walang pasok. Alangan namang pati Sabado, tsk.

Guess what? Hindi ko pa rin pinapansin si Kelly, ma-pride ako, hmp. Hinayaan ba namang makuha agad ni Angel ang eyeglasses nito. Gusto ko pa namang maglaro that time. Kaloka. Pati si Kelly naging crazy.

"Bella, are you ready? Let's go. I'm sure, your dad is waiting!" Kinuha ko kaagad ang aking bag sa kama at mabilis na pinuntahan si mama sa sala.

Yes! We are going to my dad's grave! Excited na ako.

Sumakay na agad ako sa passenger seat ng kotse at sa driver seat naman si mama. May dala kaming flowers, foods, and I have here a letter for him.

Ilang kilometro ang layo ng puntod ni papa mula rito sa tinitirhan namin.

Kung hindi ko pa nababanggit, sa Batangas kami nakatira. 800 meters ang layo ko sa paaralan at nagko-commute lamang ako patungo roon, but sometimes, mom insisted to convey me.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang makatulog.

Zzz... zzz... zzz...!*

Parang bubuyog 'no? Look oh, wala akong pake. Char, tulog na talaga ako niyan. May point of view pa rin ako kahit tulog, angas. Napapagod na nga ako kaka-explain. Joke!

"Bella... Bella, wake up na. Nandito na tayo." I stretched my body when my mom whispered to wake me up.

"Nakatulog pala ako?"

"Ay wala, kaya nga kita ginising, 'di ba?" Napatawa naman kami sa birong iyon ni mama.

Sa kaniya ata ako nagmana, ehe.

Bumaba na kaming pareho dala-dala ang mga pagkain at bulaklak naming dala.

Nakaakbay si mama sa akin at nakahawak naman ako sa bewang niya habang sabay na naglalakad patungo sa puntod ni papa ngunit ganoon na lamang ang aking gulat sa nakita matapos makarating sa puntod ng ama ko.

May preskong bulaklak at kandilang nakasindi pa. Ni hindi pa nga ito natutunaw eh.

"Ma, look!" I pointed my dad's grave. Out of curiosity, I kneeled down to it and observed those things though it is already obvious that it wasn't from us but from other people who visited in a while.

Wala akong nabalitaan na may ibang kakilala si papa na posibleng bumisita at maglagay ng ganito.

Sa ilang beses na naming bumisita ay ngayon ko lamang ito nangyari.

Nagtataka akong tiningnan si mama na ngayon ay hindi mo makikitaan ng anumang ekspresiyon dahilan upang mas lalo ang nagtaka.

"Ma?" Pukaw ko sa kaniya.

"Let us just ignore it, Bella," tugon nito.

"Ignore? Hindi ka po ba nagtataka? May ibang bumibisita kay papa maliban sa atin, Ma." Tumayo ako at hinarap si mama habang tinuturo ang lapida ng ama.

"Edi alisin natin! Baka napag-trip-an lang ang ama mo." Tarantang kinuha ni mama ang mga bulaklak pati na ang kandilang unti-unti nang natutunaw.

Tinapon niya ito kung saan. Naguguluhan ako. Bakit? Bakit ganiyan siya kung umakto?

"Argh!" Napaluhod ang aking ina at...

Umiiyak. Bakit?

"Ma! Ano ba talaga 'yung nangyayari?" Napataas ang tono ng boses ko at niyugyog ang kaniyang mga balikat.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now