Chapter 6

408 60 9
                                    

"Bella, sorry na oh!" Pagmamakaawa ni Kelly at niyakap-yakap ako.

Lunes na naman, kanina pa siya nito. Hindi ko lang pinansin kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang nangyari sa sementeryo noong Sabado.

I want to remove my isipan hihi. Joke.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi sa akin ni mama ang lahat-lahat na gusto kong malaman, at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ng matino.

She's hiding something to me. Iyon ang gusto kong matuklasan.

"Bella naman eh, sige na naman oh!" Nagbalik ngayong oras ang aking isipan at nginitian na lamang si Kelly.

"Oo na, sa susunod kasi ay huwag mo agad hahayaang ibigay kay Angel 'yung gamit niya." Natawa na lamang siya sa aking inasta at tumango-tango pa.

"By the way, sino nga ba ang tinutukoy mo na kapag nagbalik 'yung taong minsan nang naging mundo mo? O may tinutukoy ka ba talaga?" Pag-uusisa niya sa akin dahilan upang mag-iwas ako ng tingin at nabaling iyon kay Whyrhus, the Dahulo of my life.

Nakatingin ito sa amin ni Kelly. Matalim at tila mangangagat kahit wala naman akong ginawang kasalanan sa kaniya ngayon.

Nag-peace sign ako sa kaniya at sinabing, "S-Sorry..." kahit wala akong kasalanan at mabilis na nilipat ang atensiyon kay Kelly.

"Yes, he's my ex. My first love to be exact, his name is Jay. After ng ilang buwan bigla siyang nagparamdam. I don't know why but half of my mind that I want him back though I am the one who has been left!" Sinadya kong lakasan ang boses ko upang marinig iyon ni Dahulo at upang ipamukha sa kaniyang may nagmamahal sa akin kahit ganito ako. Eh sa kaniya? Ewan ko lang kung mayroon.

"Attention everyone! Kung iniwan ka na, huwag mo nang balikan pa. Kung minsan ka nang kinalimutan, huwag ka nang umasa pa! Tandaan ninyo, tanga lang ang bumabalik sa taong hanggang ngayon siya lang naman ang nasasabik!" Napantig ang aking tenga nang biglang magsalita si Whyrhus. Medyo natamaan ako sa mga salitang binibitawan nito.

My classmates uproars because of what he have said.

"Bobo lang sa pag-ibig ang babalik sa taong minsan na siyang iniwan!" Sunod na sigaw ni Daniella, bestfriend of Ladylica. Ang dalawang lider ng mga chismosa sa classroom.

"Minsan kasi, we need to forget a person who hurts us the most to grow up!" Nasundan pang sigaw ni Joany, ang lider naman ng pagiging bold star sa klase. Mga suot pa lang, halos lumuwa na ang kaluluwa.

Animo'y isang pagdi-debate ang naganap ngayong umaga. Nakakarindi man ngunit tumagos ito sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila or sinabayan lang nila ang Dahulong si Whyrhus.

"Isa pa, huwag magbulag-bulagan!" Sigaw ni Angel. Amp!

"Manood na lang tayo ng pi-o-ar-in!" Bastos na sigaw ni Harry na siyang nagpaugong pa lalo sa loob ng silid.

Blag!* Bagsh!* Blag!* Bagsh!*

Sobrang ingay, tinumba nilang lahat ang mga upuan, pati na ang teacher's stand.

Crazy classmates.

Tumayo rin si Whyrhus sa teacher's table na may dalang dust pan at ginawa itong microphone. "Let us sing now, everybody!" Sigaw niya at naghiyawan naman ang lahat maliban sa akin.

"Kyaaah!" Napatakip ako ng tenga nang biglang nagtilian ang mga babae lalo na't pinangunahan ito sa tinis ng boses ni Angel at Kelly.

Fishtea! Makaalis na nga!

"Winter snow is falling down. Children laughing all around. Lights are turning on~" I was about to open the door when he started singing.

It feels like I am in the clouds. It feels like my world stopped for a bit. Slow motion activated on.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now