Chapter 22

276 51 3
                                    

"Meet me at my office," paalala ni Mrs. Marpe sa amin ni Whyrhus.

1 week na rin ang makalipas nang nalaman namin ang totoo. Going strong na rin kami ng pamilya ko. Alam na rin ni papa ang lahat.

Wala na rin kaming balita kay Bella pa, tinatanong namin kay Kelly kung kumusta na ang kaibigan ngunit maging siya ay hindi magawang sagutin ang sarili ring katanungan.

Naging abala kami sa pag-aayos ng gusot mula sa nakaraan. Mula sa mga hindi pagkakaintindihan ng mga magulang namin noon.

Papunta kaming office ni Mrs. Marpe matapos ibaba ang tawag niya. Dumiretso na agad kami ng kakambal ko at habang naglalakad ay hindi namin maiwasang makarinig ng mga tili.

"Oh gash! 'Yung dalawang guwapo sa campus, nagkasabay!"

"Kyah! Spotted in one place!"

"Sobrang hot ni Jay—"

"Mali, si Whyrhus ang mas malakas ang sex appeal!"

"Wah! I can't believe it na masasaksihan natin ang dalawang guwapo ng License sa iisang lugar!"

"Blessing!"

Napakaingay at ang tinis ng boses ng iilan. Hindi na namin pinasin pa iyon sapagkat nagmamadali kami.

"I can't believe it, ganoon ba talaga ang impact nating dalawa kapag magkasama?" Natatawang ani Whyrhus.

"Grabe, ni hindi ko inaasahan iyon. Magkapatid nga tayo."

"Mali, magkambal nga tayo!" Natatawa kaming pareho at sakto namang makarating na kami ng office ni Mrs. Marpe.

Medyo awkward pang tawagin siyang ina o mama.

Pinihit ni Whyrhus ang pintuan ng office ni Mrs. Marpe matapos kumatok at sumagot ito ng, "Just open it."

Nang makapasok kami ay sobrang lamig agad ang nararamdaman ko. Full ata ang aircon niya, mabuti na lamang at naka-leather jacket kaming pareho ni Whyrhus. Sobrang bango ng opisina niya, sobrang babaeng-babae ang dating na halatang inaalagaan nito ng maayos ang kaniyang lugar.

Napamangha ako nang ilibot ang aking paningin, sobrang aliwalas ng kulay. Opisina ba ito ng paaralan o kuwarto na niya mismo?

Napabaling din ang tingin ko sa litrato na nakadikit sa dingding. Dalawang sanggol na natutulog. Parang nagri-reflect lamang ang litrato ng isa't isa. Hindi na ako magtataka, kambal na kambal ang dating nito.

"Napangiti ka ata sa larawan ninyo ni Whyrhus, Jay?" Hindi ko man lang namalayan na ang lawak na pala ng ngiti ko.

Maging si Whyrhus ay napatingin dito ngunit iba ang naging reaksiyon nito… sobrang seryoso.

"May tanong ako. Mrs. Marpe ang tawag nila sa iyo. Hindi ako si Whyrhus Marpe Alcomendras, tama? At hindi rin siya si Jay Marpe Alcomendras." Tinuro ako ni Whyrhus.

Nagulat din ako nang malinlang sa isipin na iyon ang middle namin. Oo nga, 'ano? Mrs. Marpe. Ibig sabihin ay hindi Marpe ang middle name namin sapagkat apelyido ng kaniyang asawa ngayon ang dinadala niya.

"Masyado niyo kasing minamadali ang lahat. Pasensiya na kung hindi ko naikuwento sa inyo ang tungkol doon. Masyado akong nadala sa emosyon at buong akala ko rin ay hindi ninyo mapapansin." Umupo ito sa kaniyang silya at ginawad ang mga kamay sa sofa'ng nasa likuran namin, senyales upang paupuin kami na agad din naming sinunod.

"Ano ang totoong pangalan mo, kasali na ang apilyedo mo noong dalaga ka pa?" masinsinang tanong ni Whyrhus.

Napansin niya iyon? Buong akala ko pa naman ay iyon ang totoong middle name ko. Matalino nga siya. Palaisipan iyon ngunit nadali niya.

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now