Chapter 1

2.2K 121 21
                                    

"Hoy, Mr. Whyrhus Alcomendras! Ang kapal naman talaga ng pagmumukha mong ipahiya ang isang estudyanteng walang kalaban-laban?! Ganiyan ka ba tinuruan ng mga magulang mo?! Asal-basura, ugaling mas mabaho pa sa imbornal, at kilos kriminal!" Tila'y batang pagpoprotesta ko sa loob ng classroom.

I can't help it. Makikita mo ba naman ang kaklase mong dinuraan niya sa mukha at kinuhanan ng video sabay upload sa social media.

Sikat na sikat ang dahulong ito kahit pa sa kung anong ugali ang meron nito.

"May unggoy na pilit nagsasalita, wala namang binatbat. Bakit hindi ka na lang umuwi sa kagubatan at samahang maglaro sa puno ang katulad mong mga unggoy, Ms. Sarmiento?" He smirked and approached me.

Napatawa naman ang iilan naming mga kaklase sa naging tugon niya.

"Oh, may isang utot na nagpapanggap bilang isang mapreskong hangi-"

"Shut your fvcking mouth up! Wala kang karapatang laitin ako at pagsalitaan ng hindi kaaya-ayang mga salita sa pandinig ng iba lalong-lalo na sa akin!" He shouted on me caused to cut me off. "Naiintindihan mo?!" Medyo nagulat ako sa pagsigaw niyang iyon.

Pak!*

"Huwag na huwag mo akong sisigawan dahil wala kang karapatan sa akin! Matanong nga kita, ano ba ang ambag mo sa paaralang ito? Ang pagiging arogante't pagkakaroon ng maliit na utak?" Sinampal ko siya hindi lang ginamitan ng palad kung hindi pati na sa mga salita.

Sumusobra na ang kayabangan niya.

Napahawak ito sa kaniyang pisngi at mararamdaman mo ang pag-iiba ng aura nito.

Tila anumang oras ay kaya nitong manuntok at iyon ang nagpalunok sa akin ng laway ko.

"Good morning, class!"

Sigh*

Thanks God.

"May araw ka rin sa akin, Unggoy," bulong nito bago bumalik sa kaniyang upuan.

"Ms. Sarmiento, go back to your seat." Napangiwi ako nang banggitin ni sir ang pangalan ko na agaran ko namang sinunod.

Napatulala pala ako.

Mr. Mundia started the topic about what's in the Philippines. Well, hindi naman masakit sa ulo itong guro na ito.

Wala akong naiintindihan sa klase niya, discuss nang discuss. Bahala ka diyan. Ang mas iniisip ko ngayon ay kung paano ako lalaban sa taong ubod ng sama kahit babae ako. Gusto ko siyang pigilan sa masasamang gawain nito lalo na ang pang-aapi sa mga estudyanteng natatakot sa kaniya.

Napalingon ako kay Whyrhus at matalim siyang tinitigan. Pinanliitan ng mga mata at animo'y pinag-aralang patayin ang dahulong nakatingin na rin sa akin ngayon.

Mata sa mata, ang pangit niya. Ilong sa ilong, mas pango siya. Ngipin sa ngipin, nevermind, hindi pantay 'yung sa akin hihi.

Humanda ka, hindi kita hahayaang magpatuloy sa pagpapalaganap ng lagim sa paaralang ito. Hindi kita hahayaang paglaruan lamang ang mga mag-aaral dito. At hindi kita hahayaang sasaktan mo ako. Humanda ka, dahulo!

I rolled my eyes and tried to be calm. Nanggigigil ako, promise pero kinabahan din ako kanina sa aura niya. Feeling ko masisira na talaga beauty ko nun, mabuti na lang at wala akong beauty char.

Totoong tao lang ang makakakita ng kagandahan ko, a fortiori a man. Char.

"Ms. Sarmiento? Why are you smiling instead of answering what I have been asked?"

The Girl Who Changed My Bad Attitude [Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now