Ika-Dalawampu't Limang Yugto - Paalam, Mahal Ko

39 7 0
                                    

Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

You never think that the last time is that the last time. You think there will be more, you think you have him forever, but you don't.......

Oo nga no, tama nga. Para sa akin, hindi ko kilala ang salitang "Last Time", or Huling Sandali. Why? Kasi feeling ko, aabot at aabot sa huli ang lahat, at yung ending masaya. Gaya ng mga fairy tales. May happy ending. Sa huli.

Meron ring mga sad ending, cliche, then nakaka disappoint. Pero iisa lang ang ibig sabihin, tapos na, huli na, wala nang susunod pa.

Faded Love, Vanished Memories

It is. Tapos na, huli na, wala na. Wala kanang hihintayin pa. All you can do is, Regrets. Pagsisi.

That's what i feel ngayon, sinisisi ko ang sarili ko. Why? Bakit? Bakit niya ginawa yun? Sinakripisyo niya ang sarili niyang puso para sa akin, maswerte ba ako? Dapat ko bang ipagpasalamat yun?

Hindi ko alam. Dapat ba akong maging masaya dahil, matatapos na ang sakit, matatapos na ang paghihirap ko, or kailangan kong sisihin ang sarili ko, dahil kung hindi sa akin, hindi siya mawawala.

It's been a week after nangyari yun, yung pinakamasakit na parte ng buhay ko. After that day na, sinabi nila sa akin lahat, naging successful ang operation, naging maganda ang response ng katawan ko, pero nanatili akong mahina, dahil wala na siya. Wala na ang lakas ko.

Pinuntahan ko siya sa morgue, pinilit ko ang sarili kong makatayo kahit marami silang nagsasabi na hindi ko pa kaya. Ginawa ko buong araw na yon, umiyak. Umiyak lang.

FLASHBACK

Nasa harap ko ang malamig niyang katawan, hinawakan ko ang mukha niya. Luha na naman, iyak na naman. Akala ko, matatapos na. Hindi pa parin pala.

"

Jade, mahal ko. Nandito ako. Jade, hindi ko alam kong anong gagawin ko. B-bakit mo ginawa yon? Bakit? Sabi mo hindi mo ako iiwan. Hindi mo iiwan mag-isa sa laban nato. Pangako sabi mo eh, at pinanghawakan ko yun. Lumaban ako, sobrang saya ko kasi may donor na at gagawin ko ang lahat, para maging successful at maging okay na ang lahat.

Naging successful ang operation Jade gaya nang wish mo, yung ngiti mo nung araw na yun sa operating room, ang mas nagpalakas sa akin, at itong kuwintas. Kasi nga sabi mo, pag wala ka, hahawakan ko lang to para hindi ko maisip na mag-isa ako. At itong singsing, proposal ring pala to, engaged na pala ako sayo.

Pinilit kong ngumiti kahit patuloy lang ako sa pag-iyak. Ang sakit, makita mo ang lalaking mahal mo, wala nang buhay, nakahiga, at malamig na. Ang kamay niya, wala naring response, umasa ako na gagalaw, pero naalala ko, hindi na mangyayari yun.

"Engaged na ako sayo, at sabi mo dati pakakasalan mo ako, hinintay kita. Pinagtagpo ulit tayo ngayon, pero s-sa kaunting panahon lang. Pero, Jade, salamat. Kasi, hindi mo parin ako binigo, hindi mo ako pinabayaan. Patawarin mo ako, Jade, nagtanim ako ng galit sayo dati, kinalimutan kita, sinisisi kita sa lahat ng masasamang yugto ng buhay ko dati. And this time, nagkita ulit tayo. Binago kita, binago mo rin ako.

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now