Ika-Sampung Yugto - Iyong Sabihin

38 11 0
                                    

And baby
Everytime you touch me
I become a hero
I'll make you safe
No matter where you are
And bring you
Everything you ask for
Nothing is above me
I'm shining like a candle in the dark
When you tell me that you love me

I'm shining like a candle in the dark
When you tell me that you love me .

- When You Tell Me That You Love Me by Diana Ross
*

*************************************************************************

Naglilinis ako ng aparador ko dahil sabado at di ako tinatamad. Kakatapos ko lang kasing maglaba at magsampay. Naisip ko na aysin ang kwarto namin na parang binagyo. Napansin ko yung brown baul na maliit sa sulok ng aparador na may susi. May necklace akong susi na galing kay Mommy, baka, ito na yung sinasabi niyang bagay na mabubuksan nito. Binuksan ko at tumambad sa akin ang isang diary.

"TRUE LOVE NEVER FADES UNLESS IT WAS A LIE"

Di ko alam kung ano to at kanino galing. Binigay to sa akin ni Mommy, sabi niya buksan ko daw kung handa na ako. 10 years ago, isa sa mga di ko malilimutang ala-ala ko. Naalala ko naman yung pinakamadilim na yugto ng buhay ko.

2010, April 14 (9:30p.m)

"Faith, darling wake up"

"Please do anything for her, Doc"

Yun ang mga salitang narinig ko nang magising agad ako. medyo asakit pa ang ulo ko at kumikirot. nakita ko agad si Mommy at Daddy na nag-aalala. teka, bakit ano bang nangyari.

"Faith, my god! you're alive! Darling? are you okay? may masakit pa ba sayo?"

"Just tell us, may masakit pa ba?"

tNakatingin lang ako sa kanila. Di ko kasi masyadong maaninag yung mga mukha nila dahil kumikirot pa ang ulo ko. Ano ba kasing nangyari?

"Ano po bang nangyari Mom?"

Nagkatinginan sila ni Dad. napahinga naman ng malalim si Mommy.

"Kasi anak, uhm hinahabol mo kasi si-"

"Nabangga ka nang malaking truck, hinahabol mo si Tristan, umalis na sila at dahil dun, umiyak ka nang umiyak, gusto mo siyang pigilang umalis. Pero-"

"Teka, Mom,Dad, sinong Tristan po? bakit ko po siya hinahabol? Di ko po siya kilala. Tsaka, bakit ho ako umiiyak nung umalis siya kung di ko naman po siya kilala.? Sino po siya?"

Napanganga sina Mom and Dad, bakit naman? Di ko kilala yung Tristan nayun? At dahil sa kanya, naaksidente ako?

" Anak, di mo na siya naalala? si Tristan, siya yung-"

" Tama na Bettina, hayaan mo nayun anak. Huwag mo na siyang hanapin pa. Wala siyang maidudulot sayong mabuti. Kalimutan mo na siya."

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon