Ikapitong Yugto - Di Malimutan

43 8 3
                                    

"And all i want is to let go
I tried a million times before
But i just can't figure out
Why i can't get over you"

- Can't Get Over You by HARANA

*******************************

"Jade, okay kana ba?" Tanong ko sa kanya bago ako humiwalay. Halos isang oras rin kaming nagyakapan. Naawa ako sa kanya. Wala man siyang sabihin pero halata sa itsura niya ang problema.

"Ayos na ako. Salamat" Pinilit niya mang ngumiti, di parin matatakpan nun ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong di pa sya gaanong okay.

"Ano bang nangyari? Bakit ka naglalasing nang ganyan? Alam mo bang masama sa kalusugan, tapos magdadrive ka pa, paano pag nadisgrasya ka!" Sermon ko sa kanya. Tung mokong nato, minsan nasa katawan niya, minsan hindi eh.

"Mabuti kung ganun, okay lang madisgrasya ako, tutal wala naman akong kwenta at pakinabang" tumawa pa nang mapakla. Ano daw! Naku! Kung hindi lang ako nagtitimpi sa lalaking to, sasampalin ko to!

"Hoy! Anong pinagsasabi mo? At sinong nagsabi sayo na wala kang kwenta at walang pakinabang ha? Sino?" Tiningnan niya lang ako. May halong lungkot yung mga mata niya.

" Yung magaling kung ama, tapang, siya nagsabi nun! Nakakaproud no?" Natahimik nalang ako. Di ko alam kong ano man talaga ang pinagdaraanan niya, pero kung anuman sana malampasan niya.

"Sorry, di ko alam"

"Okay lang, di mo naman alam eh. Hayaan mo na, sanay na ako doon." So hindi pala sila close nang Dad niya.

Ito yung mahirap eh, mayaman sila, halos lahat na sa kanila na, pero yung problema, di nila nakikilala ang salitang "Pagmamahal" at "Pagpapahalaga" sa kapamilya.

" Kung ano man problemo mo, malalampasan mo yan, sana maging maayos kayo nang Dad mo, mahirap kaya yun. Hangga't di pa huli ang lahat, iparamdam mo sa kanya yung pagmamahal."

" Tss, di na. Wala nang pakialam sa akin yun. Kulang nalang eh, isuka niya na ako. Kinahihiya niya ako Faith, dahil irresponsable ako at di dapat pagkatiwalaan." Masakit sa kanya yun.

" Naiintindihan kita, pero sana wag mong kalimutan. Pamilya mo parin siya. Hindi lahat ng tao, may pagkakataong magkaroon ng masaya at kompletong pamilya" napayuko nalang ako. Gaya ko, gaya namin ng mga kapatid ko. Para sa kanila, sandali lang ang naging pagkakataong makasama nila sina Mama at Papa.

"Bakit? Kung magsalita ka, parang napagdaanan mo na. Napaka-hugotera mo naman"

" Oo, napagdaanan ko nayan, mahirap Jade, napakahirap. Nagsisi ako. Sandali lang yung mga pagkakataon nayun. Di ko man lang sila nabigyan ng atensyon, dahil gaya ng mga parents mo, busy rin sila sa trabaho dati." Di ko mapigil ang mapaluha. Naaalala ko na naman lahat-lahat. Masakit parin hanggang ngayon.

"Sino ba yung nawala sayo? Teka gaya ng parents ko? So you mean na-"

"Oo, pareho nang wala ang mga magulang ko. 14 ako nun, 4 years old and 2 years old ang mga kapatid ko."

" So, you mean na ulilang lubos kana? Teka, may mga kapatid ka?"

" Oo, kaming tatlo ang ulilang lubos. May madastra kami, pero di niya naman kami tinuturing na anak. Kaya, kumakayod ako para sa mga kapatid ko. Mahirap man pero kakayanin ko. Kailangan nila ako. Paano nalang sila kung mawawala ako? Paano kung wala ako sa tabi nila? Mahal ko sila dahil sila nalang ang natitira sa akin" nakikinig lang siya sa akin. Totoo naman eh. Walang kasiguraduhan sa mundong to.

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now