Ika-Labing Limang Yugto - Pinapangako

31 9 0
                                    

On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word that I say
On this day

On This Day......

- On This Day by David Pomeranz

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Uhm, guys kailangan pa nating i-overcome yung iba pang ideas, right?" The best talaga tong teacher namin. Sino pa ba kundi ang nag-iisang Faith Liberty, ang love of my life ko. Nagpapatulong nga kami sa project naming tatlo, ideas lang pero kami ang gagawa.

Nakatitig lang ako sa kanya, akalain ko ba namang a day before saturday makakasama ko pa siya.

"Huyy! Jade, nakikinig kaba?" sabi ni Vince.

"Ah, oo naman, nakikinig kaya ako. Pero, pwede bang ulitin niyo?" sabi ko. Napahampas nalang sa noo si VInce. Napatawa nalang si Bryan. At, si Faith, napakkibit balikat naman habang malungkot na ngumiti. Bakit?

" Ang sabihin mo, distracted ka kay Faith, wag munang i--deny pa Jade, halata oh " halakhak ni VInce. Sinabayan pa ng kantyaw ni Bryan. Agad ko naman silang pinatahimik. Habang naghaharutan kaming parang mga bata, nagulat kami ng may naghagis ng bola sa amin. Nagulat si Faith, dahil sakto namang sa harapan niya dumaan ito. Kung hindi kami nakaiwas na apat eh, basag ang mukha namin.

" Sorry Jade ha, natamaan ko ba kayo? Nakaharang kasi kayo eh" bungad ni Trevor. Nakaharang? Nasa tabi kami. Paanong nakaharang? Naglakad naman kaming tatlo sa harap ni Faith na takot na takot na. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kay Faith noon.

" Oh, Faith, nice to meet you again. then, bakit naman parang natatakot kayo. Faith, ano kaba, wala akong gagawin sayo no. Tsaka, nandito naman si Boyfriend mo para ipagtanggol ka hindi ba? " giit ni Trevor. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Nj hindi nga alam ng buong campus na kami na ni Faith. Bakit alam niya?

"Paano mo nalaman? P-paano mo nalaman na kami na ni Faith. Wala kaming sinabihan sa relasyon namin." tanong ko sa kanya. Napangisi lang siya. Alam kong hindi maganda ang iniisip niya. Mas kinakabahan ako sa tingin niya nakakasindak talaga.

" Mayroong someone na, nagsabi sa akin. Then, ayun nalaman ng buong campus. Look Jade, lahat ng tao may alam na about sa inyo, kahit oa hindi niyo sabihin, obvious parin iyon sa lahat. Everytime, both of you were together." sabi niya. Napaiwaa nalang ako ng tingin. Tama siya, naging obvious ako nitong mga time na alam kong may problema siya. Mas araw-araw ko na siyang kasama, kasi gusto ko ako lang ang nasa tabi niya. Araw-araw ko siyang dinadala sa tinatambayan namin, na kaming dalawa lang. Sabay kaming gumagawa ng kanta. Na kami lang.

Napatingin ako kay Faith na nasa likod ko ngayon, alam ko na ang feeling niya, ang feeling na may tinatago. Naaapektuhan siya ngayon sa mga sinasabi ng iba. Hindi ko siya inisip.

Naaalala ko pa ni minsan naring nasabi sa akin ni Bryan ang tungkol sa mga kumakalat na isyu tungkol sa aming dalawa.

"Bro, wala kabang balak na ipaalam sa lahat ang relasyon niyo ni Faith? Dami na kasing mga isyu tungkol sa inyo." sabi ni Bryan. Napatigil ako sa pagkain ng cheesecake na paborito ko dahil sa sinabi niya.

"Balak ipaalam? Bakit?" tanong ko. Agad namang napaayia ng upo si Bryan at hininaan ang boses niya. Nasa canteen kami ngayon at kanina pa tingin ng tingin sa akin ang ibang estudyanteng babae at nagpapacute. Tss, akala nila may talab sakin yun.

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now