Ikatlong Yugto - Ligtas

77 18 4
                                    

"Kung tunay nga, ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw?
Iparating sa mundo
Kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko"

- Sayo by Silent Sanctuary

************************************

Sa wakas, natapos narin ang exam namin ngayong araw. Nakaabot pa ako sa unang subject ko kahit, nakabangga ko ang
NAG-IISANG JADE THE VENOM! Argh! Bakit ba sa dinami-rami ng nabangga ko siya pa. Ang sama niya talaga. Napakabastos pa. Tiningnan ko lang siya nang masama at lumayas sa harapan niya. Pero, yung tingin niya parang iba eh. May halong lungkot at awa. Sus, siya maawa sa akin? May awa bayun sa ibang tao? Demonyo yun at walang pakialam sa iba.

Well, kailangan ko munang pumunta ng library para sa mga researches ko about sa topic na irereport ko. Sige lang! Kaya ko naman to! Enjoy pa nga ako kasi dami kong isusulat. Basta kasi sulatan ang pag-uusapan, di ko uurungan yan.

Nang makarating ako sa library, kinuha ko yung mga libro na kakailanganin ko at pumunta sa pinakadulong part ng mahabang mesa na tahimik na lugar lang. Mas maganda mag-aral pag tahimik nga.

Basa dito, sulat doon, sulat dito, basa doon. Gustong-gusto kong kaharap palagi ang libro. Walang oras na wala akong katabing papel at ballpen. Di naman sa pagmamayabang pero marunong ako mag construct nang topic at i-discuss sa mas madaling paraan para mas maintindihan ko.

Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang may tumabi sa akin. Huuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuwattttttttt! Yung bagong lipat na playboy at kasing sama ng venom na Jade, si Trevor.

Yung pormahan niyang pang gangster, pang playboy, tapos parang ang adik niyang tumingin at nakangisi. Piste! Nakakatakot ang mokong nato! Wala ba siyang mapagtripan.

"Hey, miss. You look so studious girl. Why you're so busy? Well, i want to say na pwede va kitang maging kaibigan?" Huwat! Kaibigan? Sino niloloko nang baliw na to? Luh! Huwag ako. Ang kapal!

"Sorry, Mr. Trevor pero, snob ako sa personal at hindi ako friendly. Kung may balak kang pagtripan ako, sorrt but no! Hindi mo ako magagawang takutin ng ganiyan" sinamaan ko siya nang tingin at umalis na ako, binalik ko sa shelves ang mga books at naglakad na. Wala ba siyang utak?

Kaibigan. Sa buong buhay ko. Wala akong kaibigang nakasalamuha. Buong buhay ko nakakulong lang ako sa isang malaking kwarto. Pero, alam kong hindi ito ang buhay na pinapangarap ng mga magulang ko para sa akin. Pero nang mawlaa silang pareho, papatunayan kong kaya kong igapang ang mga kapatid ko nang ako lang. Walang tutulong sa akin. Sanay akong mabuhay mag-isa.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng mapansin ko na may nagkukumpulan. Nakita ko agad si Dexter, yung kaklase kong nerd at tahimik. At sinisigawan siya nang timawang... JADE!

Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang tumayo. Inuharang ko ang sarili ko sa kanya. Nagbubulung-bulungan pa ang iba na, kaya ko daw bang harapin ang Timawang Jade na nasa harapan ko.

Tiningnan ko siya nang masama, yung puno ng galit. Nagitla siya. Hindi niya inexpect na may lalaban sa kanya. Dapat lang.

"Demonyo ka talaga! Wala ka talagang respeto sa kapwa mo!" Bwelta ko sa kanya. Ang timawa napangisi lang.

"Wow! Do you think who i am? Im Jade Alexander Ruiz. Wait, Demonyo ako? Hahahaha! Grabe eh ikaw? Ano ka? Pakialamerang basura na akala mo may ipagmamalaki? You're just a TRASH!" Sigaw niya. Nasindak ako sa mga sinabi niya. Sa tanang buhay ko, ngayun lang ako nasabihan ng Basura. Masakit yun ha! Pero wala akong pake! Akala niya masisindak niya ako.

"Oo, basura lang ako na pakialamera. Pero hindi ako kagaya mo, hindi ako gaya mo na bastos, walang respeto at paggalang sa iba. Oo ikaw na ang hari, ikaw na lahat. Darating ang panahon, babalik sayo lahat ng ginagawa mo!"

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now