Ika-Dalawampu't Dalawang Yugto - Laban

32 7 3
                                    

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Ang tanging gusto ko ay alagaan mo ang mga kapatid ko, may tiwala akong magagawa niyo iyan nina Tita at Tito, huwag niyo silang pababayaan. A-at gusto ko na, t-tanggalin niyo nalang ang puso ko, wala na akong pakialam kung mamamatay ako, ang sakit-sakit na Jade, hindi ko na kaya. Yan ang totoo."

" Ayokong magpanggap na okay ako, na kung kaya ko ba, pero ang totoo, hindi ko na kaya pa. Ang sakit- sakit na, gusto ko nang m-magpahinga, Jade."

Yan, ang mga salita na para sa akin, ang pinaka-masakit. Habang binibigkas niya lahat ng salita niyan, para akong paulit-ulit na sinaksak. Ang sakit. Sobrang sakit, na pinagtatapat ng taong mahal mo ang nararamdaman niya, pagod na siya.

Pagod na si Faith. Hindi. Sobrang pagod na. Ngayon, habang pinagmamasdan ko siyang natutulog, tumutulo parin ang luha ko. Sana naman, hindi pa.

Handa akong gawin ang lahat para sa kanya, mas lalo akong manghihina pag nawala na siya sa tabi ko. Second chance na to para muli kaming magkasama, pero bakit nangyari pa to?

Hinawakan ko yung kamay niya na suot ang singsing na binigay ko nung mga bata palang kami. Napangiti dahil kahit kailan, hindi niya parin binitiwan ang mga pangako, kahit yun ang nagpadurog sa kanya.

"Faith, lalaban tayo. Sasamahan kita. Lalaban tayo, para satin, para sa mga kapatid mo, at para sa pag-ibig natin." sabi ko. Hindi niya man marinig yun, pero masaya ako dahil, sa puntong to, masasamahan ko siya sa problema niya, at hindi siya mag-iisa na haharapin ito.

Biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Mommy.

Mom
Calling

Mom: Anak, Jade, kamusta? Kamusta kayo?

Jade: Uhm, okay lang ako, pero si Faith. Uhm, she's not okay.

Mom: Gosh, why? What happened to her?

Jade: Mommy, m-may s-sakit s-siya. Sinumpong siya kanina, at hirap na hirap siya. Mom, sabi niya pagod na siya, ayokong sumuko siya. A-ayokong m-mawala s-sa a-akin, s-sa a-atin.

Mom: Shhhh, anak don't cry, matapang si Faith, she's brave. Lalaban siya, by the way, anong sakit niya?

Jade: Stage 4 Lung Cancer and Congenital Heart Disease with Pulmonary Hypertension. Mom, she's totally in danger.

Mom: Jade, don't worry, tutulungan natin siya. All she needs. But, wag mo siyang iiwan, kailangan ka niya.

Jade: Okay Mom, kamusta sina Kyline?

Mom: Nakatulog na sila, naisip namin ng Dad mo na tawagan ka. I love you. Pahinga na, anak.

Jade: Thank you Mom, wag niyo po silang pababayaan.

Mom: I will. Goodnight.

Jade: Bye.

Call Ended

Tumingin ako kay Faith. Mahimbing naman siyang natutulog. Kahit papano, okay lang na malaman ko na hindi naman pababayaan nina Mommy sina Kyle at Kyline.

Hindi ko gustong matulog dahil babantayan ko siya. Umupo nalang ako at nagbasa ng isang magazine para hindi ako mabored.

ALA-ALA

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now