Ika-Labing Walong Yugto - Niyebeng Pagsinta

35 8 3
                                    

Míngmíng, huà nàme hánxīn,
jiǎzhuāng, zhǐshì dīngníng.
Lèi jǐn, bùnéng xiāngxìn,
cǐshēng, zhǐ bān bómìng.

Obviously, the words are so chilling,
pretending, that's just a reminder.
Even after tears are gone, I can't believe that
this life is paperless.

Xuě Luòxià De Shēngyīn -The Sound Of Falling Snow (雪落下的声音) - The Story of Yanxi Palace OST

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

LUMIPAS ang ilang linggo na hindi ko nakikita ang boyfriend ko. Hihi. Sorry ha. Proud kasi ako. Nasa school kaming pareho, pero pag nagkakasalubong kami parang may malaking pader na humaharang sa amin. Simpleng tango lang ang communication namin. Nagtaka pa nga sina Raven, Vince at Bryan dahil baka may LQ kaming dalawa. Sabi ni Jade wala naman.

Umiiwas narin ako sa kanya dahil, parang hindi ko parin kayang tanggapin eh. Sa tuwing malapit siya sa akin, feel ko ang daming kong gustong sabihin na hindi ko magawa. Ganun rin siya sa akin.

Sa tuwing nagkakatinginan kami, lagi siya ang unang umiiwas ng tingin. Pero bakit ang lungkot at tahimik niya lang nakaraang tatlong linggo. Yas, 3 weeks kaming ganun. Miss ko narin ang mga kulitan at dating kami. Pero ngayon, hindi ko alam kung mangyayari pa. Natatakot kasi ako at hindi ko pa kaya ang mga magiging katotohanan na lalabas ulit sa bibig niya.

Inis, galit at kalungkutan ang nararamdaman ko sa 3 weeks. Pero mas nangibabaw ang galit ko sa kanya. Akala ko paglipas ng panahon mapapatawad ko na siya, pero grabe talaga si Tadhana no, si Jade pa pala si Tristan na sobrang kinamumuhian ko. Iba din.

Napatingin ako agad sa may malaking bulletin board na paskilan ng mga announcement ng mga events ng school sa buwan na ito. Ang dami ring napapalingon.

"May pa-contest ang school para sa atin, pakitang-gilas para sa mga natitirang buwan natin sa college, Wow! Sasali ako sa sayawan, TikTok oh! Savage Tenenenenen!" sabi ng isang babaeng katabi ko. Tawa naman ng tawa ang kaibigan niyang isa dahil mukha siyang kalansay na sumasayaw ng Savage Love. Hehe, napalait po, konti lang. Napatingin sila sa akin, nginitian ko nalang sila.

"Faith Liberty! Nice to meet you!" bati nila sa akin. Nagulat naman ako, akala ko kasi tatarayan nila ako.

"Hi, ako rin! Masaya akong makilala kayo." sabi ko. Agad naman silang lumapit sa akin. Ngiting-ngiti sila sa akin.

"Faith, diba magaling kang kumanta, sumali ka! Multi-talented ka hindi ba" sabi nung isa na Madeline ang pangalan. Napasang-ayon naman ang kaibigan niya na si Anicka ang pangalan. Nagpakilala sila sa akin. Same course naman kami pero, hindi ko sila kilala kasi hindi naman ako friendly talaga.

"Oo?"

"Ayy bakit patanong ang sagot mo?"

"Ahh hehe, siguro lang."

"Sali ka sa singing contest oh! Tsaka, maganda boses mo! Huwag kang mag-alala kami bahala sayo." sabi nila. Eh?

" Sige na, support ka namin, friends na tayo ha! Apir!" sigaw nila. Napatingin naman sa amin ang iba dahil medyo maingay kami. Napatingin ako sa Bulletin Board, Singing Contest, open sa lahat, 3 categories, dapat tatlong kanta ang ihahanda,

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now