Ika-Labing Anim na Yugto - Ang Iyong Pag-ibig

33 7 2
                                    

Your love is like the sun
That lights up
My whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside

- Your Love by Juris

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Oh mga people, ang gamot ninyo ha. Wag niyong kalimutan. Tsaka, siguro baka maya-maya nandito narin ang kuya Jade niyo." habilin ko sa mga kapatid kong maganda at pogi. Napatango naman sila habang kumakain ng pakwan.

Maaga pa ako nagising at namalengke, sabi nila nung nakaraan, gusto nilang kumain ng pakwan kaya binilhan ko. Ipinaghanda ko narin sila ng tanghalian at sinabihan kong mag-aral ng lessons nika bago maglaro.

Naghahanda narin kasi ako dahil maya-maya dumating na si Jade. Hindi naman totally handa talaga. Naligo lang. Tsaka, medyo nagpafresh ng konti. Ganern!

Maya-maya pa, may bumusinang sasakyan. Imbis na ako maunang lumabas eh, nauna pa ang dalawang lovelies ko. Hays.

"Good Morning Everyone, kamusta kayong tatlo?" bati niya sa amin. Agad namang lumapit ang dalawa at niyakap siya. Medyo nagulat pa siya. Haha. Ang cutie ng reaction niya.

"Ohh kuya, namiss ka namin agad." sigaw nilang dalawa. Kinurot niya pa ang mga pisngi ng mga kapatid ko. Napatingin agad siya sa akin at napangiti. Ayan na naman eh.

"Oo ba, namiss ko rin kayo. Lalo na ang Ate niyo." sabi niya sabay kindat. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Habang ang dalawa, kantyaw ng kantyaw sa amin. Tss.

"Okay kana ba Loves?" tanong niya. Yun, napathumbs-up ako sa kanya. Napailing naman siya. Bakit?

"Okay so Guys, hiramin ko muna Ate niyo ha." sabi niya sa mga kapatid ko. Sabay namang napa-agree ang mga tao.

" Basta kuya ah, ibalik mo yan ng buo." napatawa nalang si Jade. Agad naman kaming nagpaalam sa dalawa. Mukha kang kasing sira si Jade dahil kanina pa siya ngiti ng ngiti. Naweweirduhan lang ako ah.

Habang nasa byahe kami, ang ganda ng aura niya. Napapasayaw pa siya sa mga kanta ng radio ng kotse niya, kahit hindi naman dpaat isayaw. Napa roll eyes nalang ako. May sayad eh.

"Uhm, Faith. Okay kalang?" tanong niya sa akin. Inaamin ko, medyo kinakabahan akong makilala ang family niya. Dami ko ring iniisip na kung ano-ano.

"Uhm, medyo kinakabahan ako eh." sabi ko. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Ang saya talaga niya Guys ah.

"Hahaha, huwag kang kabahan, mabait sila at nandito naman ako no. Hindi kita iiwan."

"Okay. Sabi mo yan ah."

Maya-maya pa, nakarating na kami sa isang salon at dress shop. Napa wow kasi ang ganda at napakamamahalin ng lugar nato. Yung mga make-up artist nila halatang professionals. Wow.

"Wow, ang ganda naman dito." sabi ko. Natawa na naman siya. Bakit mukha ba akong taong bundok. Siguro nga.

"Sige, uhm ladies. Pagandahin niyo ang girlfriend ko, Mi Amor." Napaiwas lang ako ng tingin sa kanya. Nag-iinit kasi ang pisngi ko eh. Lalo na sa mga titig niya. Huhu.

Nagsimula na silang ayusan ako. Medyo matunaw na ako sa mga papuri nila. Napakaganda ko daw eh. Kahit hindi naman daw ako ayusan. Ngumiti nalang ako at nagpasalamat sa kanila.

Ilang minuto rin ang itinagal nun, simple lang colors and shades ng make-up ko. At sa buhok ko naman, naka braid ito na paikot sa ulo ko, at may natitirang maliliit na strands ng hair sa may bandang mukha ko.

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now