Ikawalong Yugto - Bulong

36 11 0
                                    

"Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang 'sang tulad mo
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang
Hindi ka na malilinlang

Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin"

- Bulong by December Avenue

************************************

"Anong sinasabi mo Jade? Tsaka bakit ka nga nandito? Bakit alam mong nandito ako"  Nakapagtataka lang talaga, anong ginagawa niya dito.

"Sige, sasagutin ko lahat ng tanong mo, basta, isa-isahin mo lang ha?" Aba! Talaga ha! Baluktot talaga ang isip ng timawa na to!

" Sagutin mo na, marami kapang sinasabi" inis kong tugon sa kanya. Sino ba namang di maiinis? Nakakagulat at nakakabigla pa.

"Okay, pero wag mo nang ikunot yung mga kilay mo, konti nalang didikit na yan! Hahahahahaahahahahahahahahah!" Masaya sya eh! Masaya talaga!

" First, ang ganda pala ng boses mo. Second, nakita kitang pumunta dito at sinundan kita and third, uhmmm..... Pareho rin yung sagot sa number 2!" Huh! Go away Stress! Salamat sa complement, sinundan pa ako at pareho daw ang sagot sa number 2. Leche! But, i should calm myself! Inhaleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee....... Exhaleeeeeeeeeeeeee.....
Hooooo!

"Ah, ganun ba? Thank you"

Ngumiti nalang siya at lumapit sa akin. He, pinapakaba kaya ako netong lalaking to.

"Pwede bang mahiram? Yung gitara mo?"

"Aba pwede naman, pero wag mo sirain, gitara to nang school."

" Tss, kahit masira si Tito parin bibili." Ay wow, porket mayaman.

"Ano bang paborito mong kanta?"
Ano nga ba? Hmmm. Mag-iisip mo na ako.

"Uhm, yung Bulong ng December Avenue. Paborito kong mga kanta yung songs ng December Avenue. Lalo na yung Magkunwari at Huling Sandali."

" Puro love songs? Nagmahal ka naba?" Napatigil ako sa tanong niya. Ano daw? Nagmahal?

" Uhm, hindi pa. Humahanga oo, pero magmahal hindi eh. Di kasi ako marunong magmahal, i mean yung may relasyon ganun ba. Di ko kasi alam ang ibig sabihin nun at kung paano ipararamdam." Totoo naman eh, di ko patalaga na-experience yun. Kung sa bagay, natatakot rin akong subukan. Di ko alam kong anong kahihinatnan.

"Seryoso? Grabe ka! Napakaimposible mo naman Faith." Takang-taka yung itsura niya pero cite parin! Hihi.

" Oo nga, bakit mo ba tinatanong? Eh ikaw?"

"Anong ako?" Uhm, itatanong ko ba? Yes or No?

" Uh, nagmahal kana rin ba?" Napatakip na lang ako nang bibig dahil sa sinabi ko, malaking kahihiyan! Ayyyyyyyy!
Ngumiti lang sya at napailing, so it means na hindi pa? O joke lang?

"Totoo? Akala ko ba playboy ka?" Ngumisi lang ang loko. Hays, alam niya bang nakakairita siyang kausap!

"Oo, playboy ako dati. Akala ko kasi lahat ng girls akin. Tss, nagsawa rin ako. Tsaka bakit? Pag playboy ba, dapat minamahal yung mga babaeng pinaglalaruan? Hindi ba dapat laruan lang tingin sila? Hahah! Nung mga time nayun, ang saya kaya kasi alam mo kong paano magkandarapa ang mga girls sa akin." Hooo! Juice Mayo! Nakakapikon na ha! Tingin niya, sa mga babae laruan!

Tumayo ako, di ko na mapigil yung inis ko ha! Babae rin ako syempre, pag ako nasa katayuan ng mga babaeng pinaglaruan nya dati, eh masakit rin. Naalala ko yung classmate ko dating si Janice, die-hard sya kay Jade dati, nakipag-close sa kanya si Jade, nagdi-date sila, official na daw. Then, one day, nalaman niyang marami silang pinagsasabay ng timawang to! Nakita ko kung paano siya nasaktan ng sobra. Di kami close noon pero, ako yung pinupuntahan niya kapag usaping-Jade ang talkness namin. Alam niya daw kasing, matapang ako. Gusto niya pa ngang mahiganti sa Jade nato! Sabi nya ako raw ang kakalaban. Gusto ko man pero sinabi ko sa kanyang hayaan niya muna, darating ang araw na, magsisi rin sya.

HULING SANDALI (Published Under UKIYOTO Publishing)Where stories live. Discover now