Desperation 5

1.8K 67 70
                                    

G's POV:

"G."

Ano naman kaya ang problema nito?? As if nagkakaroon ng problema ang isang 'to e ako naman yata 'tong laging may problema at sumasaklolo sa kanya.

"Oh? Bakit?"

"Absent ba si RC today? Di ko yata siya nakita ah."

Himala. Nagkaroon na siya ng interest sa mga bagay-bagay. Khei's worse than me. Kung ako, walang pakialam sa paligid ko, siya wala siyang pakialam sa kahit na sino maliban sa'kin at kay tito. She's the dakilang bestfriend and the dakilang daughter na takot madisappoint ang daddy niya.

"Hindi siya absent. Busy lang," pasimpleng tugon ko.

"Ah. Oh, that... Yeah, right. Malapit na nga pala kasi 'yong Team-Building and Seminar Workshop nilang mga officers—"

"Anong Team-Building?"

"Outing nga nilang mga officers! Kailangan mo bang magpacheck-up? Parang nabibingi ka na, ghurl? Kakasabi lang eh no? Luh siya."

"I heard you fine. I was just shocked that I didn't know about it. I must be with them!"

"Luh? Officer ka te? Officer ka?"

Di nga ako officer and so what? Ako naman ang may-ari ng school. I can be there if I want. Ugh. Kasalanan talaga 'to nila dad at mom eh! Ako ang may-ari ng school but I have no power to rule it the way I wanted to. Wala man lang special treatment. Grabe sila sa'kin.

Wait. Nevermind my parents. I have to think of another plan. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Una, mahal ko si RC. Pangalawa, mahal ko talaga siya. Pangatlo, mahal na mahal ko siya. Hahaha. Baliw ako, alam ko.

Seryoso, ang boring ng buhay ko kapag ganito. Wala kasi kaming classes ngayon dahil may general meeting for teachers. Kapag walang klase, wala na kaming ibang ginawa ni Khei kundi ang magshopping at kumain kahit saan. Kapag nasa bahay naman, napapagod ako sa kakulitan at sa kaka-english ni yaya Jing. I mean, sobrang determined niya kayang matuto. She wouldn't stop until I initiate to stop giving her lessons. Ayoko namang iparamdam sa kanyang napapagod akong tulungan siya.

"Khei, tara na. Please, samahan mo na akong magshopping."

"Hindi nga pwede ngayon. Dami ko pang kailangan gawin. Sorry..."

"Dito nalang ako, okay?"

"Hindi naman kita pinapaalis," natatawang wika niya. "Mag-online shopping ka nalang muna ha?"

Tumango ako at saka naglabas ng phone. I tried to shop online pero ayoko talaga e. Iba kasi talaga kapag nakikita ko 'yong mga damit in person. And one thing why I love mall-shopping is because I love the idea of having a lot of shopping bags in my hands. Pakiramdam ko kasi, I'm friends with Cher from Clueless kapag may dala-dala akong maraming shopping bags. Hahaha.

Dahil hindi talaga ako nag-eenjoy magshop online, tahimik na pinanood ko nalang si Khei na abala sa napakaraming bagay. Seryosong-seryoso siya. Wala nga siyang panahon para lingunin ako. Naghahabol nga kasi siya ng deadline. Ang dami kasing upcoming events sa school. While watching her busy with things, bigla akong napaisip.

"Gosh, Khei. I'm so excited na sa outing namin."

"Outing what? With who?"

"Duh? With Mathiniks."

"Ewwwww! You're so embarrassing ha? Ang feeling mo."

"What's so embarrassing in telling the world that I'm excited for our outing? Luh siya. KJ ka ha."

"Their kasi 'yon, te. Hindi our kasi 'di ka naman kasama," pambabara niya.

Tinawanan ko lang siya. Pero nang mahuli ko siyang iniilingan ako na animo'y nababaliw na ako sa paningin niya, I felt slightly offended. Minamaliit niya ba powers ko porket alam niyang hindi pabor ang parents ko na masunod lahat ng gusto ko?

Desperately In Love°[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon