Epilogue

115K 4K 1.3K
                                    

Hi, Love! Thank you for reaching this far. This is the last story under the Savage Beast Series. Thank you for being with me throughout my Herrer journey. Marami akong natutunan sa character nina Eroz and Gertie. Lalo na din sa love story nila. In time, what's meant for us will find us kahit anong mangyari. No person or situation ang makakapigil sa mga bagay na para sayo. In God's perfect time, maybe hindi ngayon, hindi bukas, but soon. Just like you, sobrang mami-miss ko din silang dalawa. Don't worry may 3G. Pero very soon pa iyon, wag muna natin silang gawing Lolo. Thank you! My heart is so full dahil may isang story nanaman tayong natapos. We're going to have a 2 sequel for this, you can visit my stories. I'll post it here too after ng Special Chapter. You can follow me also sa mga socmed accounts ko to be updated. I love you, Love. I'm always thankful sa inyong lahat. Keep safe, and Padayon! Love lots, Maria. 

-Next update, Special Chapter 1. 
(2 SC for Geroz)

-------------------------



Eroz's Pov

"Ikaw wala kang suggestion?" tanong sa akin ng pinsan kong si Piero, siya din ang bestfriend ko, bata pa lang ay magkasundo na kami sa lahat ng bagay.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang ilang picture ng bisikleta sa aking phone. I was planning to buy one this summer, may pera naman ako para doon.

"Wala, kayong bahala...kahit saan" sagot ko sa kanya.

"Tsk, amputa naman kausap" inis na sabi niya sa akin habang halos matanggal na ang batok niya dahil sa marahang pagkakakamot.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Mas lalo siyang nainis ng hindi din siya pinansin ng mga kakambal niya. Malaki silang sakit ng ulo nina Tita Maria at Tito Alec, quadruplets ba naman.

"Kailangan nating umuwi ng Sta. Maria para kay Keizer, kailangan niya ng karamay" rinig kong sabi ni Mommy pagkauwi ko kinagabihan.

Namatay si Tita Giselle dahil sa cancer, asawa siya ng isa sa matalik na kaibigan nina Mommy at ang kapatid nitong si Tito Darren sa Sta. Maria. Ilang beses na din kaming umuwi at nagbakasyon doon tuwing summer or holiday, pero madalas nasa ibang bansa kaming magpipinsan.

"Keizer..." tawag ni Mommy kay Tito.

Sa libing na kami nakauwi dahil na din sa hindi tugma na schedule. Nanatili ang tingin ko sa mga taong tahimik na umiiyak habang nakatingin sa saradong kabaong ni Tita Giselle.

Ramdam ko ang lungkot ng ilang mga bulong na para bang kinakausap nila ito. She seems like a good person nung nabubuhay pa, hindi naman ganito karami ang makikiramay kung hindi. I met her once, and based sa pagkakakilala ko sa kanya, totoo naman.

"Gertrude, Hija" tawag ni Mommy sa batang babae.

Bumaba ang tingin ko sa kanya. Puting puti ang suot na dress hanggang tuhod, nakatali din ng malaking ribbon ang kanyang mahabang buhok. Siya ang nagiisang anak na babae nina Tito Keizer at Tita Giselle.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya ng makita kong wala man lang ni isang pumatak na luha sa kanyang mga mata. Iba ang inaasahan ko sa batang ito. Kagaya ng iba, dapat ay umiiyak na siya ngayon at tinatawag ang pangalan ng Mommy niya. Matapang.

Nanatili ang tingin ko sa kanya, para bang gusto kong makitang umiyak man lang siya kahit kaunti. That's valid, her tears and sadness is valid dahil Mommy niya ang nawala.

Hindi sinasadyang napahawak siya sa aking kamay sa takot na dumiretso siya pababa ng sinubukang makipagsiksikan. Malamig ang kamay niya at malambot, doon pa lang ramdam kong may itinatago din itong lungkot.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon