Chapter 65

102K 3.4K 974
                                    

Proposal







Yaya esme stayed sa hospital for a couple of days pa. While staying, nagkaroon pa siya ng crush na nurse, kahawig daw ito ni Jericho rosales kaya naman she keeps on saying na she wants to stay pa sa hospital.

"If you need a personal nurse, we can hire him" biro ni Eroz sa kanya.

Matapos biruin si Yaya Esme ay nakangisi itong tumingin sa tahimik lang na si Mang Hnery. He stayed there para bantayan si Yaya Esme, kahit hindi siya masyadong pinapansin nito ay pumupunta pa din siya.

Bea and Yaya is good na, bea is preparing for her flight papuntang US. It's a bit sad na kailangan niyang lumayo just to find her self, but what she needs right now is a support, lalo na galing kay Mang Henry.

"Hindi na, gastos pa iyan. Kayang kaya ko ito" nakangiting sabi niya sa amin.

Humaba ang nguso ko habang nakatingin sa kanya. She wants to avoid Mang Henry daw pero kita naman sa kanya na she really likes him. Wala naman kaso iyon sa akin, we want her happiness, at mas lalo namin siya susuportahan ngayon dahil they have a blessing na din from Bea, wala ng magiging problema.

"Miss ko na si Gianneri" she said.

Miss ko na din ang baby ko kahit kakaalis lang namin ng house kanina. Kahit magkatabi naman kami buong gabi, kahit araw araw kaming nagkikita. Miss ko na din siya.

"Inaalagaan siya ni Ate Vera and Alice. And this lunch, gawa ito ni Alice and Tita Afrit" sabi ko sa kanya sabay pakita ng lunch box na pinadala nila sa amin. Although may food naman na provided ng hospital, they still want to cook para kay Yaya Esme, and for us also.

Hindi namin iniwan si Yaya Esme for her whole time sa hospital, we never let her feel na magisa siya o napagod kami sa pagaalaga sa kanya. We love her so much at gagawin namin ang lahat para makabalik siya sa dati niyang lakas.

"Nagpaalam ka nga pala si Hobbes sa akin, gusto niya si Senyorita Vera" paguumpisa ni Yaya Esme habang nag lulunch kami.

Mula kay Yaya at nalipat ang tingin ko kay Eroz, nagtaas siya ng kilay sa akin. Hanggang ngayon ata ay hindi pa din siya comfortable na mabanggit ang name ni Hobbes, super seloso.

"I'll support Ate Vera if she decide na payagan si Hobbes na manligaw sa kanya. I want her to be happy also" sabi ko dito na kaagad tinanguan ni Yaya Esme.

Sandali siyang natahimik bago kumunot ang noo niya at muling tumingin sa akin.

"May ibang gusto ang Ate Vera mo" sabi niya sa akin.

Napaubo si Eroz dahil duon kaya naman kumunot ang noo ko. I was about to say a word ng may pumasok na Doctor to check on Yaya. Maaga kaming nag lunch kaya naman nagulat ang Doctor ng makita kami.

Every now and then din nag vivisit si Bea, medyo busy siya habang tinatapos ang mga naiwang work sa factory. I see naman na lahat ng ipinapakita niyang care kay Yaya Esme is genuine na. Nagsisisi na talaga siya.

Isang mahigpit na yakap ang isinalubong ni Yaya Esme kay Gianneri ng makauwi siya sa house after almost a week sa hospital.

My baby started cooing and she giggles while looking at Yaya Esme, kinakausap din siya nito and the way she makes sounds, parang sumasagot siya sa mga sinasabi ni Yaya Esme.

"Miss na miss ni Yaya ang baby na to, manunuod na ulit tayo ng telenovela" sabi niya kay Gianneri na ikinatawa din namin ni Eroz.

Nagkaroon kami ng lunch celebration that day dahil sa paguwi ni Yaya Esme ng safe, kahit papaano ay pinapansin na din siya ni Mang Henry.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now