Chapter 44

76.2K 3.2K 1.6K
                                    

To be updated regarding Eroz and Gertie. You can follow me on Twitter and IG "Maria_Carcat" thank you!. Keep safe always and God bless. Love lots, Maria.
____________




Pagsuko





Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa nangyari. Sabi ni Eroz, nakakapagod na. Pero nung marinig ko iyon ay parang bigla din akong napagod. Para bang naramdaman ko din yung pagod niya. It weakens me.

Bumagsak ang tingin ko sa hawak kong dalawang plastick ng cotton candy. Color light blue and pink ang color non. Kahit papaano, it lightens my mood.

"Uy, kulit" bulong na tawag ni Alice sa akin. Naramdaman ko pa ang bahagyang paghaplos niya sa aking siko. Para bang gusto niya akong hilahin palayo doon.

Humaba ang nguso ko at nilingon siya. "I'm not kulit" marahang suway ko sa kanya. Sinabi ko na lang iyon para itago ang lungkot ko. Para ipakitang ok lang ako kahit hindi. Ang bigat sa dibdib.

Inirapan niya na lang ako kahit kita ko naman ang pagaalala sa mukha niya. I know that it's genuine because I feel it. Mararamdaman mo naman kung totoo yung isang tao sayo.

"Senyorita Gertie!" sigaw na tawag ni Yaya Esme sa akin ng mapansin niya na ako.

Mariin akong napakagat sa aking pangibabang labi ng lingonin ko sila. Kita ko ang pagaalala sa mukha ni Yaya Esme. Nang ilipat ko ang tingin kay Eroz ay halos manigas ako lalo sa kinatatayuan ko dahil sa tingin niya sa akin. Nakakapanghina.

Kinabahan ako ng tumayo ito ng hindi man lang pinuputol ang tingin sa akin. Naramdaman ko din ang pagpitlag ng katabi kong si Alice.

"Aalis na ako. Pupuntahan ko muna si Tito Darren" paalam niya sa akin.

Gusto ko sana siyang pigilan. Pero naisip kong I should not make abala pa to anyone. I already cause everyone a problem. Lahat sila ngayon ay naabala because of me.

"Magusap kayo ni Eroz. Hindi ka naman sasaktan niyan" sabi pa niya sa akin na may kasama pang irap.

Mas lalong humaba ang nguso ko. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa hawak kong cotton candy.

"Utang mo yan ha" paalala niya sa akin.

"Hindi pwedeng libre?" tanong ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata. Nakita ko din kung paano bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi pero kaagad niyang binawi iyon ng isang irap.

"Hindi, utang mo yan" sabi pa niya sa akin at akmang aalis na ng hawakan ko siya sa siko.

"Thank you, Alice" marahang sabi ko. Thank you, because kahit sa sandaling oras naramdaman ko kaninang may kasama ako at karamay.

Kumunot ang kanyang noo. "Thank you saan?"

Itinaas ko ang hawak kong cotton candy. "Here, sa utang kong cotton candy"

Nagpoker face siya bago binawi sa hawak ko ang kanyang kamay. "Ewan ko sayo" sabi niya at tuluyan ng naglakad papunta sa room ni Tito Darren.

Sinundan ko siya ng tingin. I don't even want to make an eye contact kay Eroz. Ramdam ko na siya sa aking harapan ngayon. Unconsciously, kinukurot ko na pala ang likod ng aking palad dahil sa takot at kaba. Bigla ko iyong naging defense mechanism. Inuunahan ko na yung sakit.

"Gertrude..." marahang tawag niya sa akin.

Marahan akong napabuntong hininga bago ko siya hinarap.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now