Chapter 41

76.7K 2.8K 710
                                    

Sigaw




Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang nakatitig ako sa mahigpit kong pagkakahawak sa puting tshirt na suot ni Eroz. Kahit sa Manila lang pupunta at ilang araw lang iyon ay ayoko pa din siyang umalis.

Napansin niya iyon kaya naman umayos siya ng tayo para maharap ako. Ramdam ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay kong. Tsaka lang ako nagangat ng tingin ng marinig ko ang kanyang pag ngisi.

Ang kanyang mapupungay na mga matang nakatitig sa akin ang kaagad na sumalubong.

"Can I make sama na lang?" mahinang tanong ko. I don't want to be makulit, but I also want to try.

"I won't make istorbo naman sa work mo. I'll stay lang sa house and wait till you come home" dugtong ko pa.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang. Sandali iyong nagtaas baba duon bago niya ako marahang hinapit papalapit sa kanya.

"Konting pilit pa, Gertrude. Isasama talaga kita. Ang hirap mong tanggihan" pamomorblema niya.

Humaba ang nguso ko. Nagtaas ako ng kilay sa kanya kaya naman mas lalo siyang napangisi.

"Sige ka, mamimilit pa ako" banta ko sa kanya kaya naman natawa siya.

Lumipat ang kamay niya sa aking pisngi at hinaplos ako duon. Nang mahusto ay napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"Gusto kong kasama kita palagi. Pero mas mapapanatag ako kung nandito ka. Kasama nila Mommy at Yaya Esme" marahang sabi niya kaya naman tumango na lang ako.

They already planned everything about this na. Ayoko namang sirain iyon dahil lang mamimiss ko si Eroz.

"I will surely miss you, kahit ilang days lang" pagamin ko.

Matamis akong nginitian ni Eroz. "Pakiramdam ko mas mahihirapan akong wala ka sa tabi ko. Mas mami-miss kita Gertrude" paninigurado niya sa akin kaya naman naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi at kaagad na nagiwas ng tingin.

I heard him chuckle because of what I did.

"Pahalik na" sabi niya na ikinalaki pa ng mata ko.

Yuyuko na sana siya para mahalikan ako ng kaagad akong mapatingin sa mga audience namin. Nakangiti si Tita Elaine at Tito Axus habang nakatingin sa amin. Ganon din si Yaya Esme, nakayakap pa nga ito sa kanyang sarili. They're watching us.

"Why?" natatawang tanong niya sa akin.

"May audience. For sure, aasarin ako ni Yaya Esme pag nagkita ng nagkiss tayo" laban ko.

Dahil sa aking sinabi ay nilingon ni Eroz ang mga ito. Nilingon ko din sila, sabay silang tatlo na nagiwas ng tingin na tila mo't hindi nanunuod kanina.

"Ayan hindi na nakatingin" pangaasar niya sa akin.

Nang masigurado ko iyon ay ako pa mismo ang tumingkayad para halikan sa lips si Eroz. It was a smack lang para mabilis pero nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Ilang araw tayong hindi magkikita, tapos iyan lang ang ibibigay mo sa akin?" mapangasar na tanong niya sa akin.

Hindi pa ako nakakabawi ng kaagad akong napakapit sa kanya ng kabigin niya ang batok ko at inangkin ang aking labi. Madiin at sabik ang kanyang paghalik. Hindi ko na din napigilan at napayakap na ako sa kanyang leeg so we can kiss more.

"Naku, naku. Dalaga na talaga ang alaga ko!" kantyaw ni Yaya Esme.

Hindi iyon pinansin ni Eroz. Mas lalo pa niyang pinalalim ang halik niya sa akin hanggang sa kapwa na naming habol ang aming hininga ng humiwalay siya. Sandali niyang pinagdikit ang aming mga noo.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now