Chapter 25

90.8K 3.6K 1.4K
                                    

Flowers






Nanatili ang titig ko kay Eroz. Nanatili din ang matalim niyang tingin sa mga bumati sa amin. Friends ba niya iyon or kalaro lang sa basketball? Kasi kung friend ko yan hindi ko susungitan. Or inborn na talaga kay Eroz ang pagiging masungit?

Napangisi ang mga lalaki. Maging si Duncan, nahihiya silang napakamot sa kanilang mga batok. I notice na ganuon ang mga lalaki pag nahihiya. Bakit kaya?

"Pasencya na Eroz, hindi namin alam. Hindi din alam ni Duncan, diba?" sabi ng isa sa kanila, siniko pa nito si Duncan para pasagutin ng Oo.

Sa huli ay nagpaalam na sila sa amin. Ni hindi na nga nila ulit kinulit pa si Eroz about sa basketball game. Sayang, ready pa naman akong icheer si Eroz if ever may game sila.

"Tapos ka na bang kumain?" seryosong tanong niya sa akin.

Napatigil ako sa dapat sanang pagtusok ng squid balls. "I want to try pa this squid balls na walang tentacles" sabi ko kay Eroz. Umigting nanaman ang kanyang panga at bahagyang kumunot ang noo.

Napangisi si Manong vendor kaya naman napatingin din ako sa kanya. Nakangisi siyang hinahalo yung mga paninda niya habang nagpriprito.

"Manong, your mantika is good. Hindi tumatalsik" puri ko sa mantika niyang behave, but pansin ko iba na ang color.

Ngumisi siya. "Ganuon talaga Ma'm ilang beses ka ba namang gamitin, hindi ka ba mapapagod sa pagtalsik" natatawang sabi niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko.

"Manong, you're so bad. Maawa ka naman po sa mantika..." giit ko. I'm serious, pero si Manong ay mas lalong natawa.

Tumikhim si Eroz. Kaagad siyang dumukot ng pera sa kanyang bulsa at nagbayad ng kinain namin. Sinabihan ko pa siyang hindi pa ako tapos pero hindi na siya nagpapigil.

"Minsan prumeno ka sa mga sasabihin mo. You might offend some people, buti at nagawa pang magbiro ni Manong" galit na pangaral niya sa akin habang hila hila niya ako palayo duon, palabas ng simbahan.

"What's wrong in asking? When you ask, you learn. Dapat magcontinue ang learning...kaya dapat ask lang ng ask" pangaral ko din sa kanya.

Tumikhim siya. "Not all the time" giit niya kaya naman humaba nanaman ang nguso ko.

Nakakunot ang noo niya dahil sa galit. Pero mas lalong kumunot iyon ng makita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking nakangusong labi. Hindi ko mapigilan, kahit naman ayusin ko ay ganuon pa din.

Yaya Esme told me before na cute ang lips ko. No need na ng effort because it was always in it's natural pout. Without an effort, my lips is always pouting. And it's a bit small and curvy.

"I'm sorry for being to madaldal. I don't want din naman to offend other people" pagsuko ko.

Aminado ako na sometimes hindi ko na macontrol ang self ko sa pagsasalita. Dahil kasi ay masyado kong kinimkim ang mha thoughts ko. Kaya naman nung natuto akong magpahayag ng totoo kong nararamdaman, wala namang tigil.

Nanatili sandali ang titig niya sa akin hanggang sa mapabuntong hininga na lang siya at magiwas ng tingin sa akin. Pinagdikit ko ang mga kamay ko, kukurutin ko nanaman sana ang likod ng aking palad ng hindi na iyon matuloy dahil mabilis na kinuha ni Eroz ang kamay ko, hinawakan niya iyon.

Nabigla ako. Akala ko kasi after the sermon session ay galit na siya at hindi nanaman ako papansinin. But I was wrong, hinawakan pa din niya ako kaya naman holding hands while walking nanaman kami palabas ng simbahan. Kay Yaya Esme ko iyon nalaman, sweet daw pag ganuon. Sayang hindi pwedeng may pa-sway sway pa at baka mas lalong mainis si Eroz.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon