Chapter 50

93.4K 3.5K 1K
                                    

Business Partners






Matapos kong sabihin iyon ay malungkot akong nagiwas ng tingin kay Yaya Esme.

"Gianneri Esmeree Eriza...Montero. Isa nga din sa dahilan kung bakit tayo uuwi ay para ayusin ang apelyido ng alaga ko" pagtatama sa akin ni Yaya.

Marahan akong tumango at maingat na yumuko para haplusin ang namumulang pisngi nito. She has a chubby cheeks, may pagkakulot ang may kakapalang itim na itim na buhok.

"Paano pag hindi siya tinanggap ng mga Herrer? Ayokong masaktan ang baby ko, Yaya Esme" sumbong ko sa kanya.

Ramdam ko ang tingin sa akin ni Yaya pero nanatili ang tingin ko kay Gianneri. When I gave birth, nawala na yung takot ko para sa aking sarili. Nawala lahat ng self doubt at natutunan kong maging matapang para sa kanya. Ang lahat ng ito ay para sa anak ko, para protektahan siya. I won't let her feel and experience things na naranasan ko when I was younger.

"Sa ganda ng batang yan? Sino namang hindi tatanggap kay Gianneri? Baka nga maiyak pa si Senyorito Eroz pag nakita yan. Lagot tayong lahat...damay ako" pamomorblema pa niya sa dulo kaya naman napanguso ako para itago ang ngiti.

Nang lingonin ko si Yaya Esme ay nakangisi din siyang nakatingin sa akin. I love Yaya Esme, and it's a bit scary seeing how as days passed by, mas nagiging visible ang wrinkles sa face niya. She is not getting any younger.

"Yaya Esme, thank you for being with me and Gianneri...and Papa. Thank you for not leaving us despite of everything that happend" sabi ko sa kanya ng lumapit ako at tumabi sa kanya. Nagawa ko pa siyang yakapin dahilan para huminto siya sa ginagawa.

"Senyorita, kayo ang dapat kong pasalamatan. Kahit kailan, hindi ko naramdaman na tagapag alaga mo lang ako. Kahit noong nabubuhay pa ang Mama mo, hindi niyo ako itinuring na iba sa inyo" she said.

Nagtubig ang aking mga mata kaya naman mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam ang gagawin ko nung nalaman kong I'm pregnant with Gianneri, bukod kay Papa ay si Yaya Esme talaga ang naging support ko. Ilang gabi siyang napupuyat kasama ko. Kung minsan ay umiiyak din siya pag umiiyak ako.

"Mahal kita, Gertrude. Si Gianneri din, para ko na yang apo. Hindi ako mawawala sa inyo" paninigurado niya sa akin.

Humalik ako sa pisngi ni Yaya Esme. "And sa magiging baby din ni Gianneri at sa mga susunod pa" sabi ko sa kanya na ikinatawa naming pareho.

Natigilan lamang kami ng marinig namin ang pagdating ni Papa galing sa trabaho. He suggested that I should work from hom for now para mas matutukan ko si Gianneri. I saw how Papa's life perspective changed sa pag dating ni Gianneri.

Hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay natawa na si Yaya Esme ng marinig namin ang mahinang pagiyak ni Gianneri hanggang sa lumakas ito. Naramdaman niya siguro ang paguwi ni Papa and I might say she's a Lolo's girl.

"Papa..." nakangiting salubong ko sa kanya bago ako humalik sa kanyang pisngi.

"Iyak nanaman ang isinalubong sa akin ng paborito kong Apo" tumatawang sabi niya bago lumapit sa crib at maingat na binuhat si Gianneri.

"Papa, si Gianneri lang naman ang apo mo" sabi ko kaya naman mas lalo siyang natawa.

Kaagad na tumahimik ito ng umpisahan siyang isayaw ni Papa. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa Baby ko. Makailang beses niya itong hinalikan sa ulo habang patuloy na isinasayaw.

"Come here, Gertie" tawag niya sa akin ng mapansin niya ang panunuod ko sa kanilang dalawa.

Niyakap niya din ako ng makalapit. Naramdaman ko din ang paghalik nito sa aking ulo.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now