Chapter 59

70 1 0
                                    

Hindi ako mapakali habang palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko. Gabi na at hindi pa rin umuuwi si Loren. Isang beses lang siyang nagtext sa akin, ang sabi lang niya sa text ay may naka-meet up daw siya na friend niya. Kaninang hapon lang yun. Alas dyes na ng gabi.

Nagsuot ako ng sweater at lumabas ako sa kwarto ko. Pagbaba ko ay dumiritso ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Do'n ako naupo sa sala. Paano kung nag-inuman yun at hindi siya nakapag-dinner? Tinalian ko ang buhok ko at sumimsim ng gatas.

Kalahating oras din akong naghintay sa sala. Tinawag ko na ang lahat na mga santos na alam ko. Hindi pa rin umuuwi si Loren. Pabalik-balik ang tingin ko sa relo na nakasabit sa dingding. Hihiga na sana ako sa sofa nang marinig ko ang ugong ng sasakyan. Napabalikwas agad ako ng tayo at nagmamadaling buksan ang pinto.

Pinag-krus ko ang dalawang braso ko. Seryoso ang aking tingin sa kanya. Kumunot ang noo ko. Hindi siya nagsusuhi na naglalakad. Parang ayos pa naman ang tayo niya. Hindi ko siya tinulungan na buksan ang gate. Siya nalang ang nagkusa. Alam ko na alam niya na ang presensya ko. Napansin niya siguro yung pagbukas ko ng pinto.

"Bakit napagabi ka ng uwi? Akala ko ay kaninang alas otso ang uwi mo." Salubong ko sa kanya. Hindi ko siya sinigawan gaya ng sabi ni Mama. Hindi naman kasi niya sinisigawan si Papa kung gabi na umuuwi.

"Sorry medyo napainom lang ako ng kunti but I'm not drunk. Nagkayayaan lang kami nina Russel." Amoy alak siya pero maaayos pa naman ang tindig niya. Hindi siya lasing gaya nga ng hula ko.

"Pasok ka na. Ilalock ko yung gate." Sabi ko sa kanya.

"No, ako na." Saka siya naglakad papunta sa gate. Siya na ang nag-lock nun.

Pagpasok niya ako ay na yung naglock sa porta mayor ng bahay. Uminom siya ng malamig na tubig at sumunod na rin sa akin paakyat.

"Galit ka ba sa akin?" Kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko siya nililingon.

Pumasok lang siya sa kwarto ko nang malaman na hindi ako bumaba para kumain ng breakfast. Inakyatan lang niya ako ng pagkain. Nakahiga pa rin ako. Napuyat ako kagabi dahil sa kakaisip. Ang daming negatibong isipan na dumadaan sa aking utak. Naiinis ako at nagagalit din sa sarili ko.

"Tell me what's wrong. Ayokong hindi mo ako kinakausap. I can't bear with it." Nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Bumangon ako sa aking kama at tumayo. Nagpunta ako sa banyo. Sumunod siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Pinusod ko ang aking buhok at naghilamos tapos ay nagsipilyo. Nang matapos ay bumalik ulit ako sa kama ko at kinuha ang tray na nasa maliit na lamesa. Yung gatas ang ininom ko. Parang hindi ko yata kayang lumunok ngayon.

"Nona. Please. Sagutin mo ako. May nagawa ba akong mali?" Pagmamakaawa niya ulit.

Bumuntong hininga ulit ako at saka siya hinarap.

"I'm not mad. Sadyang may puyat lang ako."

"Then sorry. Sorry dahil napuyat ka dahil sa akin. Promise wala akong ginawa kundi ang uminom lang ng kunti at makipag-usap sa mga kaibigan ko." Hinila ko ang isang daliri niya. Ang init niya.

Bumuntong-hininga ulit ako.

"Alam mo, nai-insecure lang ako." Pag-amin ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay. Seryoso ang tingin sa akin.

"You shouldn't be—"

"Alam mo kasi kung bakit? Dahil yun sa pagmamahal ko sayo. Alam ko na hindi ako pwedeng magbuhos ng pagmamahal— ng sobra-sobra dahil paano naman ang sarili ko. I'm scared that you might find someone who's prettier than me, younger than me, and lovable than me. Last night, I couldn't sleep dahil paano kung may nakilala kang babae kagabi at... I don't know. Sorry kung ganyan ako mag-isip. Hindi ko lang talaga kayang iwasan yun."

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon