Chapter 56

55 1 0
                                    

"Gago ka ba? Bakit mo sinabi sa mga yun na isasama mo ako ha? Hindi ko naman kayo classmates." Kinurot ko siya sa inis ko.

Umiwas siya sa pangalawang attempt ko. Kainis ang tigas ng abs niya.

"Yeah you're not my classmate but we're soulmates."

Nag-init ang mukha ko na parang pula na mansanas. Nang makabawi ay hinuli ko siya at kinurot agad. Todo igik naman siya at sangga sa abs niya.

"Don't pinch me please honey. Masakit na yung abs ko. Sige ka kapag mayupi ang abs ko wala ka ng hihimasin kapag nag—"

"Shut up Loren Jazz Falcori! Mukha mo talaga." Bulyaw ko.

"Yeah? Gwapo?" Inirapan ko pa siya.

Nang-aasar siyang tumawa. Iniwan ko na siya at pumunta na ako sa loob ng jeep. Hinintay ko pa siya na maka-recover sa tawa niya. Mga 30 seconds yata siyang naghahagalpak ng tawa sa labas. Ang weird niya sa totoo lang. Sana kabagin siya— joke, ako yung mahihirapan kapag kinabag ang isang yan. Ako yung mag-aalala, ako yung magkakanda-ugaga sa kanya.

Naiinis ako kapag nasasakit siya. Ganun din naman siya sa akin kapag nagkakasakit ako. Ayaw niya na may lagnat ako maski sipon o simpleng ubo.

"Ano hindi ka pa ba papasok? Bahala ka kapag ako ang mapuno sayo, iiwan talaga dito ng mag-isa." Pagbabanta ko sa kanya.

Umiiling-iling siya habang papasok dito sa jeep niya. Kung keri ko lang na magdrive ng ganitong kalaki na sasakyan ay iiwan ko talaga siya. Kaya lang ay wala e. I don't have a large amount of confidence in my body. Pagpasok ni Loren sa loob ay sinara niya agad ang pinto sa side niya, may nakalitaw pa na ngisi sa kanyang labi. Sarap manduhan ng taong ito.

"I know that you can't leave me here alone." Nakataas kilay niyang sambit. Hinahamon yata niya ako.

Hindi porke't mahal ko siya ay hindi ko na siya iiwan dito sa plaza. Hindi ko naman siya iiwan. Tanga lang ang sasayang sa kanya. "Hoy! Akala mo hindi ko kayang magdrive? Hindi ito algebra kaya kapag pinihit ko yung susi ay talagang iiwan kita dito."

He pushed his lower lip, mocking me kung talagang kaya ko. "Honey I know you can't. You love me too much." Ngising-aso niyang sagot. He bit his lip after that.

Aakmang kukurutin ko na siya kaya lang ay pinigilan ko ang sarili ko. Walang kwenta yun dahil koko ko lang ang malilintikan. Basta nalang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

Pagdating namin sa bahay ay wala pa rin ang mga magulang ko. Maghapon kaming naghintay kina Mama. Nakauwi sila pasado alas dos ng hapon. May dala silang gulay at itlog ng pugo. Agad ko yung niluto dahil natatakam ako sa itlog ng pugo.

Nagpaalam si Loren kina Papa na aalis kami mamayang gabi. Nagulat nga ako dahil siya pa mismo ang nagpaalam pa para sa akin.

"Basta umuwi kayo bago mag-alas dyes a. Sumunod nalang muna tayo sa batas ni Gov dahil sa susunod na buwan ay talagang idadakip na yung mga kabataan na matigas ang ulo. Syempre ay yung mga may edad na ay hindi. Pero kapag lasing na nakakasagabal sa daan ay ipapadakip talaga. Kaya huwag kayong umuwi na lasing ha."

Mabilis namang tumango si Loren. "Opo Tita."

Bago kami umalis ay nagdinner muna kami para kahit uminom ay hindi agad malalasing at hindi masusuka.

"Ano ba ang susuotin natin? Reunion lang naman diba? So hindi kailangan na pormal?" Tanong ko sa kanya. Paakyat na kami sa hagdan papunta sa kwarto namin.

"It's not necessarily na magsusuot ka ng magandang damit. Just don't wear crop tops. Hindi ako komportable diyan. Nakikita ang pusod mo."

"Ano naman ang susuotin ko? Magje-jeans naman ako." Kapag dress naman ang susuotin ko ay dapat hindi rin mid-thigh. Hinihila niya talaga pababa yung dress para umabot sa tuhod.

Don't Look At MeWhere stories live. Discover now