Chapter 58

70 1 0
                                    

Ilang minuto din akong tulala sa sagot niyang yun sa akin. Sabi ni Andy ay hindi daw tama ang maglandian sa gitna ng byahe. Pinagtritripan lang ako ni Loren. Malandi lang siya dahil masyado siyang patay na patay sa akin.

"Siguraduhin mo lang na seryoso ka diyan sa sinasabi mo."

"Honey I'm serious as saints. Kahit hanggang sa pagtanda natin ay gagapangin pa rin kita."

"Eww bastos!"

Gumilid ako sa may pinto, kunwaring nandidiri sa kanya. Ang totoo niyan ay gustong-gusto ko yung mga dirty talks niya. Pero kahit mukhang biro lang yun sa pandinig ko ay seryoso siya diyan. Seryosong tao si Loren, ultimong kahit simpleng utos ko sa kanya ay sumusunod siya sa akin. Simula yan noong naging kami.

"I'm serious about it. Kahit ilang babae pa ang babae pa ang pumila sa akin. Ikaw lang ang pipiliin ko. Sayo lang titibok itong pusong ito. Understood?" Maniniwala na sana ako kaya lang ay... I don't have to say anything. Bahala na siya. Bahala na kaming dalawa.

Nilock ko ang gate dahil pinasok ni Loren ang jeep niya sa bakuran namin. Yung pedicab naman namin ay nasa kina Kuya. Do'n muna pinalagay ni Papa para daw maipasok ni Loren sa bakuran namin. Baka daw pag-interisan ng mga dumadaan. Mahal pa naman yung jeep na yun at syempre ay yung mga tao dito sa amin. Pakialamero.

Sabay naming pinatay ang mga ilaw sa baba. Naka-lock yung bintana. Sa pinto ay naka-lock naman yun pero may susi naman ako kaya nakapasok kami ni Loren. Sabay kaming pumasok sa kaniya-kaniyang kwarto namin.

Paggising namin kinabukasan ay natambakan kami ng lalabhan. Kunti nalang ang damit namin. Muntik pa ngang bumili si Loren ng damit sa mga tyangge pero ang sabi ko sa kanya ay maglalabi kami para hindi na kami maglaba pa sa Casagrande.

Nasa hapag kami nang marinig ni Mama ang pinag-uusapan namin ni Loren.

"Eh bakit hindi nalang kayo sa ilog maglaba. Ngayong araw ay hindi madami ang tao dahil may klase. Dadami lang ang naglalaba tuwing Sabado at Linggo dahil karamihan ay mga estudyante ang pumupunta doon sa Lawag." Naisip ko na nga na sa ilog nalang kami maglaba pero syempre ay magbabanlaw din naman ulit kami sa tubig-gripo.

"Ganun din po ang gusto ko Ma. Magbabanlaw din naman kami dito gamit ang tubig-gripo."

"Oo pwede naman yun. Do'n nalang kayo magsabon at kahit banlawin niyo ng isang beses lang at dito na kayo ulit magbanlaw ng panghuli. Kahit malinaw yung tubig sa ilog Lawag ay hindi pa rin tayo sigurado kong malinis nga ba dahil sa dami ng naliligo."

Kinonsenti ko si Loren na nasa ilog nalang kami maglaba. Napapayag ko naman para may experience siya sa paglalaba sa ilog. Ang taong bukid ay kadalasan ay ganito ang ginagawa lalo na sa mga mahihirap na hindi kayang magbayad ng malaki sa tubig. Ang daming nagtitipid ngayon dahil na rin sa hirap ng kita. Dito sa El Paso ay grabe yung hirap dito tuwing Agosto dahil nakakaranas ang mga mangingisda ng crisis. Ganun din naman sa Buena Albuera.

Mahaba ang nguso ni Loren habang linalagay sa malaking bag ang mga maruruming damit namin. Kung hindi lang ako mahal ng dummy na ito ay hindi siya papayag na pumunta sa ilog. E plano nga namin noong nasa Balenciaga pa kami na pumunta sa ilog. Siguro ay ayaw niyang maglaba kundi ang maligo lang. Isip-bata talaga. Uunahin ko ang mga labahan namin kaysa ang maligo.

"Pwede naman kasi tayong maligo after nating maglaba." Parinig ko. Wala si Mama sa labas dahil nasa likod ito at nag-uusap sila ng asawa ni Kuya.

Nasa labas na kami ng gate at pasakay palang ng jeep niya. Nagkibit siya.

"Well, sabi mo e." Feeling ko ay tatanda ako nito ng maaga dahil kay Loren. Parang pasan ko yung busangot ng mukha niya.

"Loren naman." Napasuklay na ako sa buhok dahil sa inis.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon